naglakad sa mga bubog
dahil isang linggong walang tulog
binagtas ang mga pako
na may kalawang, kaya't natetano
namamanhid na ang paa
umaakyat na sa utak ang bakteriya
tinurukan ng kontamimadong karayom
habang mga kamao'y nakakuyom
ang sugat ay lumala nang lumala
dahil 'di nagpapabakuna
ito ma marahil ang simula
nang pagkaagnas ng katawang-lupa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento