Nakahawak ang buhay sa sinulid
Habang dumudulas ang luhang nangingilid
Wala na akong igigiit at ipipilit
Husto na bibitaw na ako sa lubid
Tila butas ng karayom
Ang buhay kung ilalagom
Hindi ka paparoon, kundi papalayo
Mas matimbang nga ba ang sariling dugo?
Tatahiin na lang ang labi
Ang damdamin ay isasantabi
Ganiyan naman parati
Ang piping awit ng walang silbi
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento