MABUTING KWENTO (2025)

 Bawat ukit ng palad, bawat lilok sa laman Inisip nang mabuti, nilagay dahil may dahilan

Ang ‘di man masabi ng aking mga pobreng labi

Ang sa aking panulat ang tahimik na maghahabi


Ako ay hamak na lupa lamang sa engrandeng mundo

Pawang buhangin sa karagatan ng mga tao


Ngunit ang presensiya ko ay sinisinsin ang pagbuo

Nang sa gayon sa pagpanaw ako ay maging mabuting kwento


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...