LUMALABIS SA PAGKUKULANG (2025)

 lumalabis sa pagkukulang

bagong-bago nangangalawang

laging ginagamit nakatiwangwang

dire-diretsong gumegewang-gewang


nag-iimpok ng sama ng loob

sa pusong sa lupa sumusubasob

kaya't bumibigat rumurobdob

ang alkansiya ay nabasag, tumaob


sa dulo, wala ring naipon

singhirap noong ako pa ay may tsupon

nabasag na ang garapon

magkukulong na lang sa sariling kahon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...