bumibigat ang loob
sumisilab, rumurubdob
nakakulong, nakakulob
tumitihaya, tumataob
siguro ang impyerno
mas magiging magaan
kaysa sa mundo
puro pasakit na daan-daan
marahil ang apoy mangingiliti
ang masasama nama'y mabuti
sisimangot ang nakangiti
ang panandalia'y palagi
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento