'di tiyak
pumapalya, pumapalpak
walang tunog, pumapalakpak
nagmamarka, tumatatak
'di tiyak
'di sigurado, walang bayag
'di ginto, 'di pilak
'di buo, basag-basag
'di tiyak
'di magarbo, 'di payak
nasa gitna lang, nakayapak
walang moog, walang kalasag
"Sa mga mahahalimuyak at makukulay na bulaklak ng aking kabataang naisatitik para sa alaalang aking sasariwain at babalik-balikan."
Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento