SARILING ANAK O ANITO?

 Huwag maging malambot

Huwag maging malungkot

Huwag liliko't babaluktot

Huwag masyadong sumimangot


Paalalang walang hinto

Para ipagtanggol daw ako

Sa masama at delikado

Na ginagalawang mundo


Ngunit sino ba ang ipinagtatanggol

Ako bang pinalalaking sanggol

O ang mga pinaniniwalaang mas mahalaga

Kaysa sa buhay na binuo ninyo't dinikita


Mas mahirap bang mahalin

Ang musmos na lamyain

Kaysa sa ito ay sakalin

Nang pamantayan ninyong linis-linisan


Hindi naman niya naisin 

Ang mabuhay nang ganito

Kaya kung ikaw ay papiiliin

Ang sariling anak mo ba o ang anito?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...