Tinatago sa sarili
Hindi ko masabi
Nasa dulo na ng aking dila
'Di ko na rin naman maalala
'Di malakas ang aking loob
Pero malakas ang aking kutob
Na 'di ako ang laman ng iyong puso
Pero alam mong ikaw ay palaging nandito
Marahil kakalimutan na lang
Ipadadaan sa hanging pahiga't pahalang
Ang hindi ko na mabibigkas at mawiwika
Pagkat ito ay nasa dulo na ng aking dila
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento