Ipinapakita ang mga post na may etiketa na TILA. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na TILA. Ipakita ang lahat ng mga post

IKAW AT AKO (2025)

Pwede pa ba nating ipilit

Mukhang wala na 'to

Baka meron nang sumingit

Sa pagitan ng ikaw at ako


Ayaw ko pa namang nagpupuyat

Pero basta ikaw ay ayos lang

Pumupurol na ang panulat

Ikaw at ako pa rin ay naiilang


'Di kita mabasang talaga

Para kang libro sa matematika

Ano bang solusyon sa problema

Kung aamin ako, ikaw rin ba?


TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...