AKO NA ANG MASAMA (2025)

 Sige na, ako na ang masama

Ihahanda ko na aking kaluluwa

'Yun naman ang sinabi mo 'di ba?

Sa impyerno rin aking punta


Sige na, sa inyo na

Ang langit na tinitingala

Ako na lang ang magdarahop sa ibaba

Tutal ang budhi ko ay mandaraya


Sige na, ako na nga

Ang maghihirap sa mundo at sa kabila

Dahil lang pinanganak na kakaiba

Makasalanan agad ang tingin ng madla

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...