Nanalaytay ang pagkamuhi
Galit na 'di masabi
Ipinamana at isinukli
Hindi ko man hiningi o pinili
Sigaw na 'di mamagkano
Tadyak na 'di masisino
Panlilisik na pinong-pino
Poot na bumabara sa puso
Ang asar naging inis
Ang galit na tinitiis
Kaya't poot ay pumait
Na siyang sumira sa bait
Salamat sa biyayang pagkamuhi
Galiy na galit na rin ako sa'king sarili
Kaya ngayon basag-basag
Ang salaming nagmamatyag
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento