NANG MAGMAHAL AKO NG KAPITALISTA

NOTE: Parody po ito ng piyesa para sa mga batang ina.


Ang piyesang ito ay para sa mga nagmahal ng kapitalista


Maging gahaman man sila

Magpalamon sa sistema

Sinira ang reporma ni Marx, Gramsci at iba pa

Na sana solusyon sa agwat sa ekonomiya

Na sana sila na ang tulay para guminhawa ang mga buhay

Pero sapat na ba?

Sapat na ba para husgahan sila?

Sisihin sa pagbagsak ng bansa?

Sino ka ba?

Alam mo ba ang buhay at kwento ng ekonomista?

Hindi naman 'di ba?

Kaya wala tayong karapatan para husgahan sila?

Oo, sila ngang nagkamali

Pero ang importante hinarap nila ang responsibilidad at nagtrabaho sa opisina

Para 'di magmukhang walang pera, 'yun ang pinakamalaking pagkasala

Kaya kayong kunwaring mga Marxist

Na walang bahid ng capitalists

Huwag basta-basta manlait

Kasi 'di purket kapitalista

Mga pangarap ng bansa ay 'di na matutupad agad

MUSE OF YOUR MELODY, STAR OF MY POETRY (2025)

I will never be the muse of your melody

But, you'll always be the star of my poetry

How hopeless romantic can I possibly be?

Waiting for the sky meeting the sea


Blindly, following the feeling you gave me

Finding fault, finding love, finding agony

Searching for a sign in this romantic misery

Pleading the heavens for a miracle of mystery


Will I ever be someone's muse?

Of all their reds, oranges, and blues

Someone who'll love me and my poetry

For all my writing is encompassing my humanity


HALAMANG NAMATAY SA LIMOT (2025)

 Punla'y ibinaon sa mabatong lupa

Inihagis na lang basta-basta

Dinilig ang asido sa butong mura

Iniindayog ng pagsigaw at pagsipa


Nang munting dahon ay sumipot

Ito'y nahihiya kaya't namaluktot

Sa sikat ng araw ay natatakot

Sa wisik ng tubig nangingilabot


Kaya't nang sumibol siya ay bansot

Mga talutot ay nangungulubot

Ang mga dahon ay nanunuyot

Kalaunan ang halaman ay namatay sa limot

GUSTO KONG MARAMDAMAN (2025)

"I would rather feel everything than nothing every time."
(Hampstead, Ariana Grande)
(eternal sunshine deluxe: brighter days ahead)


Gusto kong umiyak

Gusto kong humalakhak

Gusto kong magwala

Gusto kong magtiwala


Gusto kong maramdaman

Ang lahat, kahit masasaktan

Sa huli, ako pa ang maghahabol niyan

Simulan mo lang, ako na sa katapusan


Bakit ba gustong malibot?

Ang bawat pasikot-sikot

Sa aking puso, pilit nilimot

Sa hinaharap na maramot

ALAKDAN (2025)

 Tuklawin mo ako

Tapos mabibitin

Lasunin mo ako

Ako pa'y kikiligin


Ikaw ang aking alakdan

Handa akong masaktan

Basta ikaw, walang anuman

Hindi ko na ito mapipigilan


Ang iyong kamandag

'Di ako makakailag

Kahit pa may kalasag

 'Di ako magpapatinag


PS: Pag na-inlove ka nga naman sa scorpio! HAHAHA

SIBUYAS (2025)

Naghihiwa na naman ako ng sibuyas

Pampalubag sa kasalukyang 'di patas

Hayaan mo nang mukha ay kumupas

Habang ang diwa ko'y lumuluwas


Ang kutsilyo sa kamay ay dumudulas

Habang ang puso ko'y balat-sibuyas

Naghahanap ng paunang lunas

Sa mga sugat ko ngayon at bukas


'Di na lang ako maghihiwa ng sibuyas

Pagkat sa damdamin, ako ay umiiwas

Haharapin na ang swerte at malas

Sa ngiti at simangot ng bawat oras




KUNG DUMATING ANG ORAS NA BUMIGAT ANG ARAW (2025)

 Kung dumating ang oras na bumigat ang araw

Huwag mo sanang pasaning mag-isa

Dahil andiyan ako para dumamay at dumalaw

Dahil sa aking kasibulan ay kasama kita


Pag dumilim ang liwanag ng ating buwan

Huwag kang matakot, huwag masaktan

Dahil andito ako, kailanma'y 'di ka iiwan

Ang daigidig man ay tumigil nang tuluyan


At sa pagdating ng pagtatagpo sa duyog

Sana masumpungan mo ang aking puso

Dito ka magpahinga, dito ka matulog

Pagkat ikaw ang aking katahimikan sa mundo

BAYABAS SA PUNO NG MANSANAS (2025)

 Ang hirap maging bunga ng bayabas 

Sa puno na ang bunga ay mansanas

Para kang pinagsakluban ng lahat ng malas

Ang kalangitan ay 'di pa umaaliwalas


Akyatin man ang sangang malalabay

Sungkitin man ang bungang tinataglay

Mananatili ako sa puno, naghihintay

Mabubulok mag-isang mamamatay


Bakit ganito ang pagsibol ng buhay?

Mangangasim ang bunga kaya'y hiniwalay

Kinukwestiyon imbes maging tulay

Kahit parehong prutas ang trato sa'ki'y gulay





KANINO AKO PWEDENG SUMANDAL? (2025)

Pag bumigat ang pinapasan

Kanino ako pwedeng sumandal?

Pag ang puso binubusalan

Kanino ako pwedeng magkwento nang matagal?


Sa pagpapaikot ng aking daigdig

Kailan kaya masusumpungan

Ang para sa aking pag-ibig

'Yung totoo at tapat na sumpaan


Dahil 'di naman na ako bumabata 

Lalo't ang mga magulang ko ay tumatanda na

Maiiwan kaya akong mag-isa sa mundo

Kung ganon, sana ay kunin na lang din ako

GAMOT (2025)

'Di na ko iinom ng gamot

Pag masakit ang ulo

Para ako'y makalimot

Sa mga alaala sa iyo


'Di na ako iinom ng gamot

Pag masakit ang puso

Para ako'y makalimot 

Sa pag-ibig sa'yo

PAANO NA ANG ATING LOVE STORY (2025)

Bakit ba 'di masabi ang mahal kita

Pag ikaw ay nandiyan na

Ako'y natutula 

Nabubulol, nauulol, nauutal pa


Bakit ba ako ganito?

Pag nandiyan ka natotorpe ako

'Di makakatitig nang diretso

Umiiwas, 'di kinikibo


Paano na ang ating love story?

Iiwan na lang sa sorry?

'Di ako mapakali

Sana'y paglaban natin hanggang sa huli


Ang ating love story

Ng isang bibo at torpe

Hanggang sa humantong sa will you marry me

May happy ending din for you and me

BAKIT BA MAHIRAP SABIHIN ANG MAHAL KITA? (2025)

Bakit ba mahirap sabihin ang mahal kita?

Habang nakaharap, nakatingin sa'yong mga mata

Iniibig kang tunay ng puso at ng kaluluwa

Ngunit ang aking bibig ay hindi maibuka


Ibubulong ko na lang ba sa hangin

Isusulat ko na lang siguro sa buhangin

Ang mga hindi ko mabigkas na mga salita

Para sa iyo ang pagmamahal kong sobra-sobra


Bakit ba ang hirap sabihin ng mahal kita?

Wala naman akong pag-aalinlangan o pagtataka

Hiling ko sana makita mo ang iyong kinang at halaga

Kasi sa aking paningin, sa aking damdamin, ito'y kitang-kita


Sana'y masabi ko bago magpantay ang mga paa

Nang pagsisisi ay 'di ko pasanin pa

Pagsamo ko'y maabot ka sana ng aking mga tula

Para malaman mo kung gaano kita kamahal, sinta

NAHULOG (2025)

Lahat na lang nahuhulog 

Pati takip ng kaldero naging bubog

Pati ako ay tuluyan nang lumubog

Laman ka ng panaginip sa pagtulog


Lahat na lang ay nahuhulog

Sa ngiti mong parang magdamag nagmumog

Puso ko'y huwag sanang madurog

Kung hindi ang bahay niyo'y masusunog


Lahat na lang talaga ay nahuhulog

Tila ba ang mundo ay umiindayog

Sa ilalim ng araw at buwang duyog

Minsan lang magkita, sa iyo pa ang puso'y tumugtog

BITUIN (2025)

 Sinusundan ang 'yong tingin

Habang naglalakad nang matulin

Kumiskislap ang mga bituin

Hinihiling sana ako'y mahalin mo rin


Tinitipa at tumitiempo

Habang tumutugtog ang piano

Kailan kaya maglalandas

Ang mga bituin sa puso kong pantas?


Sa mga tala na lang ba magkikita

Ang alakdan at ang isda

O sa susunod na lang lalanguyin

Ang kalawakang ako'y sa'yo't ikaw ay akin

MATALIM NA PUNYAL (2025)

 Nang sa daigdig ang isang katulad ko ay iluwal

Nakatarak na sa dibdib ang isang matalim na punyal

Kaya't nagdurugo nang labis kapag hinahayag nang pilit

Kaya't sa pagtagal ay sinarado nang tuluyan ang pusong salat


Hindi na ba aasang isang dapithapon ay mamasdan ang pagdatal

Ng huhugot sa nakatarak na isang matalim at nangangalawang na punyal

Pagkat sa paghihintay ang minuto at segundo ay tila gumagapang nang mabagal

Sa aking pagtakbo sa hinaharap na walang kasiguraduhan ako'y nahahapo't hinihingal


PIGIL-HININGA (2025)

Pigil-hininga, baka kasi amoy patay na daga

Kahit nagsipilyo naman ako kaninang umaga

Pigil-hininga, baka tibok ng puso ay marinig niya

Tatagal ba itong damdamin o mawawala rin kaya?


Pikit-matang umaasang magugustuhan din niya

Kahit ako'y halatang-halata na mas bakla pa sa bakla

Pikit-matang nananalangin na sana nga ay siya na

Ang tugon sa bawat pagsamo't dalangin kay Bathala


Lagi nalang bang pigil-hininga at pikit-mata

Hahaplusin at susulyapan na lang sa hangin

Ang pag-ibig ko sa'yo ay dito na lang ba sa aking diwa

 Nasa kamay ng tadhana kung mamahalin o palalampasin

TUGMA (2025)

Araw ng mga salitang pinagtagpo

Pinagsaliw sa iisang himig at ritmo

Ginawang paksa ang isang katulad mo

Sa komposisyon ng pagkikita uminog ang mundo


Umaasa ang salita sa mga tugma

Kariktang taglay-taglay ng isang tula

Marahil umaasa na rin ako kahit wala

Sa mga nakaw na sandali kapag kasama ka


Magtugma man ang mga piniling saknong

Ang kaibuturan ko'y laging magtatanong

Saan nga ba pupunta at hahantong?

Ang paghangang sa dibdib ay kinukulong

CHINITO (2025)

Mga mata mong singkit

Mahirap palang masungkit

Kahit anong aking ipilit 

Umibig sa'yo'y masakit


Nakikita mo pa ba ako

Kahit ako ay nagtatago

Sa mata mong naglalaho

Pag siya ang tinitignan mo


Susulyap-sulyap na lang

Titignan ka sa malayo

Dahil ayaw kong humadlang

Sa ikaw at siya, walang ako

JUAN (2025)

Bininyagan sa tubig

Sa ilog ng pag-ibig

Nagsusumigaw na tinig

Sa iyo, ako ay nakinig


Isang mabuting balita

Tumarak sa aking diwa

Ngunit ang katotohanan

Hindi ko na mapipigilan 


Kung ako ay lumalapit

Ba't ramdam kong umaawit

Sa kaniya ako ay naiinggit

Kaya 'di ko na nga ipipilit


Ang ebanghelyo mo sa buhay ko

Matututo nang 'di palagi ang puso

Ang susundin ng aking isipang ito

Dahil ako lang ay mabibigo

HULIHANG BAGON (2025)

Sa hulihang bagon tayo sumakay

Dala-dala ang kahapong walang malay

Sana hindi na lang kita nakilala

Kung gusto ko rin agad limutin ka


Sa pagtakbo ng mga istasyon sa tren

Ang isip ko ay nasa iyo pa rin

Kahit ang tumatakbo sa iyo'y iba

Pasensiya na, 'di ko naman 'to agad mabubura


Pasensiya ka na kung ipinagsiksikan pa

Sa hulihang bagon ako'y sumakay pa

Malay mo makababa rin ako

Doon nga lang sa iba, 'di man sa iyo

ALIPIN NG DAMDAMIN (2025)

Habang ang musika'y tumutugtog

Puso'y unti-unting nahuhulog

'Di man ako ang inspirasyon

Ang musa sa iyong komposisyon


Paano ba awitin ng isang kanta?

Nang hindi nagpapaalipin sa damdamin

Pagkat sinulat ko 'di naman nagmarka

Kaya hindi ko na sa'yo inaamin


Kung ang isip ay tumatahimik na

Ang puso'y tuloy pa rin sa pagtibok niya

Pero ang awitin mo ay alay sa kaniya

Sana ay sa akin na lang, 'di ba?


Paano ba ako magiging ligaya?

Kung alipin ng paghikbi at pagluha

Sa iyo, sa kaniya, at sa marami pang iba

Sumuko na sa damdaming gusto kita


HENESIS (2025)

Lumikha ka ng mundo

Makulay, sagana, at buo

Ngunit huwag lang titikim

Sa prutas ng tagong lihim


Dumating naman ang ahas

Tinukso ako nang patas

Pag ako raw ay nagmahal

Buong puso ko'y isusugal


Ako naman ay tumaya

Kahit alam na madadaya

Ano pa bang aking magagawa?

Ikaw ang Henesis, ikaw ang simula


Si Adan ay para kay Eba

Ang direksyon ng lumikha

Si Eba ay para kay Adan

Kaya't ako ay pasasaan pa?


Sinimulan ko man nang maaga

Hindi pa tapos winakasan ko na

Dahil ikaw ang Henesis, ako ang Pahayag

Magkalayong kabanata, 'di maglalayag

ANG PANGATLONG JOHN (2025)

Elementary (Grade 4) nang magkagusto ako kay John M. or JMMM. Nagustuhan ko kasi sobrang kwela niya at very athletic kasi nag-te-table tennis siya. Nagsabihan pa kami ng crush. Pero nagsinungaling ako kasi siya crush ko pero ibang pangalan ang sinabi ko. Four years ko siya nagustuhan. 

Noong high school (Grade 9) si John A. or JALT. Basahin niyo na lang mga tula, screenplay, at short story ko tungkol 'yon halos sa kaniya. Pero nagustuhan ko kasi mabait siya, corny, saka magaling sumayaw. Six years ko siyang naging crush.

Ngayong college, 3rd year na nang unexpectedly through a meeting nakilala ko siya. Si John G. o JGL. Nakipag-meeting kami with him and his friend para magpatulong sa musical arrangement ng SID o Station ID ng aming radio organization. 

At first, normal lang naman na pumasok ako sa meeting at nag-minutes. Then, eventually napansin ko sobrang bungisngis niya. At siya nag-arrange ng calendar para sa musical arrangement, mixing, and mastering. Which is surprising on our end because usually kami ang nag-ha-handle nito. Pero siya ay organized. Nagustuhan ko agad ang personality niya.

Pumayag rin siya sa 3K na talent fee kasi understood naman daw na student din kami and 'di kami funded ng university kaya medyo kapos ang aming budget. But, don't get us wrong ha, we support artists and they deserve proper compensation. It's just that ayun 'yung kaya namin i-provide as an organization as of now.

MEETING (MARCH 7, 2025)

As someone talaga na attracted sa personality, nagulat ako nang makita na pangalan niya ay "John" din. Kaya naisip ko na baka siya na nga. Kasi nakilala ko rin ang mga John isang taon before my graduating year.

Kaya napag-connect ko at sabi ko malaki ang possibility dahil 3rd year na ako. At John pangalan niya.

Kaya sa chat namin with the other heads sabi ko na type ko nga siya. Type rin siya nung pinakahead namin kaya sabi ko MWF ako, TTHS siya. 

He also shared na musician talaga siya at nag-aral siya sa UP ng music then nag-transer sa PUP.

But to our surprise nang matapos ang meeting at ma-add kaming lahat sa group chat ay wala siyang Facebook. I mean gusto ko naman ng lalaking lowkey lang. Very private. Kasi private person din ako in social media. As in walang profile picture & naka-lock or private lahat. So, sabi ko okay type ko siya. Additionally, Juan din gamit niyang name sa Messenger so nagtaka lang ako baka 'di talaga siya John.

Then, fast forward sa rehearsal day kung saan nakasama namin siya. Si John or Juan. May klase siya noon ng morning and kami rin naman. Pero siya F2F, kami ay online.

REHEARSAL (MARCH 17, 2025)

So maaga ako nakapunta sa school. Kaya naunahan ko siya. Well dapat naman talaga punctual ako para 'di nakakahiya sa kaniya 'no. Actually at first kinakabahan ako baka 'di ko siya maging type. Pero nung nakita na namin siya, 'di ako na-love at first sight. Kahawig niya kasi 'yung architect na nag-re-review sa YouTube. Hawig lang or kahulma. Pero naamoy ko agad ang pagiging rich. Kasi naka-cap siya na puti, nakastripes na t-shirt, at nakapants na black. Plus naka-silver na relo. Nakasalamin din siya at nakabraces. 'Yung bag niya ay 'yung panglaptop bag, then may payong na nakalagay sa gilid. At matangkad siya na payat. Mas matangkad sa'kin nang onti. 'Di ko usually type mga ganyan e. 

Pagdating naman sa TV Room behaved kang ako. Siya naman ay pumapalakpak para i-check kung nag-e-echo raw ba. Pero sa isip-isip ko mukha siya pumapatay ng langaw.

'Yun na nga nag-start muna kami magpakilala ganiyan ako raw si Kuya. Sabi ko sa utak ko ano ba 'yan bakit ganiyan tawag mo. Tapos ayun bumungisngis na naman siya habang nakikipag-usap.

Eventually nung nag-set-up na kami akala namin hanggang 4PM lang siya because may klase siya.

Pero ayun nag-try kami na mag-record ng vocals 'yung mga vocalists namin.

Hanggang sa pinarecord niya rin ang VO sa OBB/Opening Billboard ng SID. Tapos ako na raw ang mag-record. So sabi ko 'di malalim boses ko. Pero pang-back-up lang naman so sabi ko go na. Pero nagpractice muna ako.

Sa unang try sabi niya agad wow. Tapos tumawa pa siya. Kaya lang nung sinalpak niya sa edit ay 'di sakto so mag-retake ako at mag-pause.

Nagtatakip din ako tainga kada ipeplay niya kasi nag-cringe ako sa boses ko.

So sa retake nagkamali ako nung una kaya umulit ako. Sa second try ay okay na 'to! Kaya nung plinay niya ay nagtakip ulit ako. Tapos nag-wow ulit siya sabay sabi ng naalala niya raw tatay niya sa recording ko.

Sagot ko naman ay grabe ka naman kuya, TATAY TALAGA!?

Kaya ayon tawang-tawa lahat. Lalo na siya. Pero kada ipeplay niya ay nagtatakip talaga ako ng tainga kasi tunog-bading ako e. Malayo sa tunog broadcaster talaga.

Hanggang sa ayun nag-edit na siya at plinay niya at nagtatakip talaga ako ng tainga.

Tapos ayun nag-prospect na nga sila ng mga pwede. Tapos taga-Bulacan daw 'yung isang senior namin pero taga CALABARZON kaya sabi ko edi 'CALABURZON' na kaya natawa siya.

Ayun na nga pagtapos no'n ay nag-lunch kami. Pagdating namin sa Graciella ay nagtanong siya ng order namin. Tapos nilibre kami. Sabi namin nakakahiya naman. Pero okay lang daw. Tapos naglagay pa siya ng utensils sa mesa pat tissue. Nag-order pa siya ng Coke.

Nag-aya sila na mag-picture pa kami non. Una selfie na napaka-OA ng pagka-extend ng braso kala mo naging selfie stick siya. Pangalawa nag-pa-picture kami sa staff na pinapasama niya sa pic. Laro talaga tapos ako naman na inaantok na ay parang tanga sa picture.

Tapos ayun nung kumakain na umaatake naman ang hiya ko kasi barubal ako ngumuya talaga kaya bumagal ako kumain.

Bigla naman siya nagtanong bakit Brodcasting kinuha namin pero siya muna tinanong namin. Gusto raw kasi ng family niya. Family of accountants sila. Tapos napagbigyan naman daw siya sa music ng two years sa UP kaya nag-economics naman siya ngayon pang-second degree niya pwede niya gawing pre-law or mag-politician siya. Pero love niya ay music talaga.

Tapos kami naman tinanong. Sagot ko ay gusto ko paiba-iba gagawin ganyan actually wala naman akong definite answer talaga bakit ito kinuha ko. 

Anyways, nung bumalik na kami dinala ko 'yung Coke kasi sayang kaya tawang-tawa siya.

Pagbalik sa TV Room, sabi namin maghintay kami for the other vocalist pero 'di na dumating kaya ayun nag-online class siya --- si Kuya Juan/John.

Tapos hanggang sa umalis muna 'yung ibang kasama namin kaya naupo siya sa may harap ko.

Tapos pinarinig niya rin kay Tatay Albert 'yung music. Tapos ayun umalis din isa kong friend so nakapag-usap kami.

Tinanong ko ano birthday niya sabi niya November 16. Tapos kung ilan taon na siya sagot niya 23. Pero secret lang daw kasi baka mailang 'yung ibang kasama namin. Kaya sabi ko okay tapos huwag niya na ako i-kuya. HAHAHA. Tapos panganay daw siya sa tatlob magkakapatid. Tapos inasar ko lang siya na Valentines baby pala siya. Tapos ayun inask ko about music nika ganiyan tapos parinig ako. Kaso dumating na mga kasama ko kaya 'di na niya naparinig. Pero sa second day pinarinig niya pala sa speaker.

Ayun pagbalik ng mga kasama ko ay pinag-usapan namin sa PUP Community na na-shock siya sa mga karumal-dumal na mga kwento na pinopost doon na mapupusok daw. At controversial. Tapos doon nahingi namin IG niya. Tapos 'yung FB naman niya ay dummy lang daw for news lang ganyan-ganyan. Kasi dineactivate niya 'yung dati. Kaya ayun nag-follow kami.

Tapos nag-meeting na kami, inaasar niya ako kasi pineplay niya 'yunh audio tapos nag-wa-wow siya. Ang galing ko raw. Tapos ako naman nag-iinarte kaya tawang-tawa siya. Sabi pa niya na ang sakit na raw ng tiyan niya. Tapos pinag-record niya 'yung isang kasama namin. Tapos sabi niya pang-pageant daw. Sabi ko ano 'yung sa'kin pang-feeding program? Tapos naalala mo pa tatay mo? Tapos ayun sagot niya ang galing ko raw, sus! Tapos pineplay niya ulit talaga. Kaya sa isip niya baka naiinis ako. Pero 'di naman.

Kaya ayun natawa pa siya lalo nga makita niya 'yung coke na dinala ko sa TV Room.

Siyempre umuwi na kami 'di ba. Sa may LRT din daw siya tapos Cubao bumababa pero ngayon may tugtog daw siya sa Cubao Cathedral kaya Betty Go siya. Napa-OMG ako kasi type ko talaga mga tumutugtog sa simbahan HAHAHA. Kaya ayun ininom ko coke nilaklak namin. Tapos mga pisti kong kaibigan ay tinatanggal 'yung balot ng coke at iuwi ko raw. Sabi ko 'wag na pero pinilit nila. WOW pinilit ka pa? HAHAH Pero ayun ending inuwi ko na lang ang takip.

So going to LRT ay nauuna siya sa'min, I guess nadmamadali siya? Pero nung naglalakad na kami nagsabi si Jeff na tawa raw kami nang tawa. Sabi ko naman na pag tumatawa kami agad? HAHAHA Natawa na naman siya.

Ito na ang kagagahan ng taon. Nung naglalakad na kami sa mismong LRT. Kinukuha ko na 'yung facemask ko. Dahil nagpauna si Kuya sa'min nasa likod ko lang siya and almost katapat na kasi bumagal lakad ko. Then, pagkahugot ko nung facemask sa bulsa ng bag ko tumilapon 'yung takip ng coke sa sahig...

Namutla ako. Nanlaki ang mata. Pero tuloy lang sa paglakad na parang walang nangyari... 'Di ko alam kung nakita niya. Or kung nag-react siya.

But after that, nagbago ang ng ihip... at least for me... na kinakabahan. Pero ayun nung umakyat kami sa platform na, nahihiya ako. 'Di ko siya matignan. Tapos ayun nag-joke siya sa amin na "Soafer Latina" ano raw ba yon? Sabi ko 'yung may asawa ka sa kulungan.  'Di niya siguro na-gets ang awkward ko hayop marie HAYAAN TALAGA!

Pero pagpasok sa tren nakatalikod siya.  So nakaharap siya sa pa-Santolan station exit marie. Pero eventually humarap naman siya at sumandal sa door ng tren. Sabi ko sana don't don't don't lean. Tapos tinantiya niya saan siya bababa.

May tugtog pa kasi siya. So ang excruatiating. WOW EXCRUTIATING!? 'Di ko nga alam meaning niyan. Pero pigil-hininga talaga ako hanggang mag-Betty Go. Iniisip ko 'yung takip na nahulog. 'Yung joke ko na may asawa sa kulungan. 'Yung kagagahan ko overall.

Tapos ayun nagba-bye siya sa amin. Lumingon pa siya. Sobrang pogi. Pumopogi talaga ng sobra ang nagiging crush ko. Like the geomarikina effect 'no is real? 

Tapos ayung pag-uwi ko kilig mode kasi inistory niya ako sa IG niya. 'Yung boses kong trip na trip niya na tila ba niloloko ako.

Pero not until tomorrow ko 'yan malalaman. Pero alam ko na inistory niya kami na nilibre niya. Sobrang maginoo. Medyo bastos kaya? Feel ko hindi masyado.


RECORDING (MARCH 18, 2025)

Nang dumating ang second day ay nag-pink ako at nag-sweater, assuming na nandoon siya.I look good in pink kaya... HAHAHAHA

Tapos maaga rin ako dumating kasi wala naman kaming online class. Nag-motor na lang din ako kasi may tumanggap HAHAHAH WOW!

Pagdating ko don ang aga ko pa. Tapos ayun fast forward inasar lang nila ako na sobrang virgin ko raw pag andoon si kuya. Well true naman. Ayoko kasing maging OA saka fight or flight ako pag may lalaki sa harap ko.

Tapos dumating na 'yung friend niya, magaan aura saka naging mabait ako kasi ka-vibes niya 'yung friend kong tahimik din. Very introverted siya. So ayun kinakausap ko siya sabi niya ano raw tawag namin kay first book in the bible? Sabi namin ay Kuya Juan/John nga. Tapos ayun tulog pa raw si Kuya dahil puyat. Pero pupunta naman daw.

Tapos ayun the whole day very ano lang. Okay lang kasi wala si Kuya nagpeprepare ako ng mga jokes na hindi naman nagamit.

Tapos ayun nagsabi sa'kin 'yung isa kong friend na nilike raw birthday mat niya so sabi ko tampo ako. Pero tinignan niya at sakaniya ay like lang sa'kin heart.

Fast forward sa pagdating ni Kuya John ay kumaway ako sa kaniya. Tapos ayun sinabi niya kung inaway ba namin ang frenny niya. Sabi namin hindi.

Type rin siya nung mga new friends kong PA sa SID. Tinitigan ko sila na parang nagsasabing akin na siya. Wow, possesive. EME!

Then na-gets naman nila. Pogi niya kasi that day naka-tuck in 'yung black shirt niya sa pants. Tapos cap ulit.

Inaasar niya ulit ako but awkward na ako kasi inaasar din ako ng mga kasama ko. Na pinagisishan ko. Pero nung pinakilala niya si friend kong isa bumuong siya sa kaibiganniya na sa peripheral vision ko nakita tapos ayun naheartbroken na naman ako.

Then, medyo nagtampo na ako and very casual na lang interactions namin. Inabot ko 'yung guitar chord and inabot niya sa'kin 'yung jacket kong nahulog. Tapos nung nagpicture kami as a group nag-volunteer siya na mag-picture pero pinasama namin siya tapos ayung nagtabi kami. Para kaming nagshuffle pa kasi paiba-iba ginawan talaga nila ng paraan. Thank you friends!

Tapos on the way sa LRT ay magkasama silang magkaibigan sobrang bait niya sa friend niya kaya na-inlove ulit ako. Tapos sa LRT ay sumakay kami sa hulihang bagon as in 'yung pinakadulo. Tapos ayun nasa harapan ko silang friends. Tapos 'di ko alam kung saan titingin. Then, pagbaba sa Cubao sabi nila na balwarte na nila kaya pwede na sila magwala at basagin 'yung salamin ng H&M. Tapos ayun nag-ba-bye na kami at inakap niya ako or akbay. Whatever. HAHHAHAHA!

Then ayun pag-uwi ko nagsulat na ako ng tula hango sa pangalan niya at sa experience namin.







KALAHATING BAHAGHARI (2025)

Bakit nga ba pinanganak na kulang ang palad?
Sa mga salitang suntok kung sa bugbog ay matadtad
Kailangan bang maging kahihiyan ang katapangang pagladlad?
Kung ang katotohanang ako ay isang makulay at makinang na paghubad

Kung kalahati lang ang bahagharing mamatyagan at makikita
Sana'y maging hudyat ng payapa sa wakas ng bagyong puminsala
Para sa mga nagtago sa dilim ng nakaraang nagkulong nang paglaya
Para sa mga walang gapas na pinaslang dahil ang pagkakasala nila ay naging totoo sila

Pipiliting tahiin ang ang kalahating bahaghari nang ang susunod na henerasyon
Ang kwentong may kwenta dala-dala, bitbit-bitbit ang kasaysayan ng katapangang iyon
Nang ang hinaharap ay maging buo, ganap, at walang pagkakahon dahil ikaw ay ako
Ako ay ikaw, tayo'y sila, sila at tayo, walang pagkakaiba sa isang pantay-pantay na mundo

PS: Kakatapos ko lang basahin ang Kalahating Bahaghari ni Ricky Lee, isang tunay na representasyon ng mga Pilipinong sinikil dahil lang sa kung sino sila, sino ang minahal nila, sino ang pinili nila maging. Isang obra maestra.


PAANO KITA MAPAPATAWAD GAYONG 'DI KO PA NAPAPATAWAD ANG AKING SARILI (2025)

Paano kita mapapatawad gayong 'di ko pa napapatawad ang aking sarili

Araw-gabing pinipigaan ng dayap ang sugat nang lalo pa itong humapdi

Kumukuyom ang kamao para sa salamin ako ay makapaghiganti

Hindi ko kailanman maibibigay ang wala sa aking pagmamay-ari


Paano ka hihingi ng tawad kung ang patawad ay wala sa aking labi

Nagtagal ang duyog sa pagtakip sa araw kaya't nagmistulang magdamag ang gabi

Binasa ng patak ng luha ang dulo ng kandila nang hindi manahan ang apoy sa sindi

Paano ako maririndi sa ingay ng daluyong kung tuluyan na akong naging manhid at bingi


Hindi kita kayang harapin kahit isang minuto, isang segundo, maging isang sandali

Sapagkat ang larawang iginuhit mong makita ko ay basag-basag na akong walang pipili

Kaya't hindi ko kayang maibibigay, ipunin man aking lakas, ang matagal mong hinihingi

Pagkat ang minsang sanlibong kulay ng bahaghari ay isang pangarap na sa panaginip ko na lang minimithi

KASINUNGLINGAN (2025)

Kung ang katotohanan ko'y kasalanan

Maituturing ba itong kasinungalingan

Kung gayon ang buhay ng kapanglawan

Hinabi ng aking buhay ba ang kapatawaran

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...