SIBUYAS (2025)

Naghihiwa na naman ako ng sibuyas

Pampalubag sa kasalukyang 'di patas

Hayaan mo nang mukha ay kumupas

Habang ang diwa ko'y lumuluwas


Ang kutsilyo sa kamay ay dumudulas

Habang ang puso ko'y balat-sibuyas

Naghahanap ng paunang lunas

Sa mga sugat ko ngayon at bukas


'Di na lang ako maghihiwa ng sibuyas

Pagkat sa damdamin, ako ay umiiwas

Haharapin na ang swerte at malas

Sa ngiti at simangot ng bawat oras




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...