Paano kita mapapatawad gayong 'di ko pa napapatawad ang aking sarili
Araw-gabing pinipigaan ng dayap ang sugat nang lalo pa itong humapdi
Kumukuyom ang kamao para sa salamin ako ay makapaghiganti
Hindi ko kailanman maibibigay ang wala sa aking pagmamay-ari
Paano ka hihingi ng tawad kung ang patawad ay wala sa aking labi
Nagtagal ang duyog sa pagtakip sa araw kaya't nagmistulang magdamag ang gabi
Binasa ng patak ng luha ang dulo ng kandila nang hindi manahan ang apoy sa sindi
Paano ako maririndi sa ingay ng daluyong kung tuluyan na akong naging manhid at bingi
Hindi kita kayang harapin kahit isang minuto, isang segundo, maging isang sandali
Sapagkat ang larawang iginuhit mong makita ko ay basag-basag na akong walang pipili
Kaya't hindi ko kayang maibibigay, ipunin man aking lakas, ang matagal mong hinihingi
Pagkat ang minsang sanlibong kulay ng bahaghari ay isang pangarap na sa panaginip ko na lang minimithi
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento