PAGDALUMAT SA PAMAGAT |
|
“ANG LIPUNANG FILIPINO: Isang Paglilimi ukol
sa Modernisasyon at Globalisasyon” PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA TERMINOLOHIYA: ·
Lipunan – Ang salitang lipunan ay hango sa ugat nitong
“lipon” na ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) Diskyonaryo ay
nangangahulagang katipunan
ng mga bagay, tao, at iba pa. Sa madaling sabi, ang lipunan ay sambayanan o
mga taong naninirahan sa parehong lugar ·
Filipino – kadalasang pumapatungkol sa wika, ngunit
ginagamit din para tukuyin ang mamamayan ng bansang Pilipinas ·
Paglilimi – Ayon sa KWF Diskyonaryo ang limi (salitang
ugat) ay nangangahulugang pagsusuri at pag-iisip sa anumang bagay o
pangyayari. ·
Modernisasyon - – Ayon pa rin sa KWF Diskyonaryo, ang
kahulugan nito ay pagiging makabago. ·
Globalisayon – Sa tala ng KWF Diksyonaryo, ang
globalisasyon ay paraan ng pamumuhay at pananaw na nakaugnay sa buong mundo. Samakatuwid,
ang kahulugan ng pamagat ay ang pagsusuri sa sambayanan ng mga Filipinong may
halos pare-parehong karanasan sa pagbabago ng kaisipan at ang pagsabay nito
sa buong mundo. Mahihinuha na ito ay nakasandig sa agham-panlipunan
partikular na sa Sosyolohiya na larangang sumusuri sa lipunan upang lubos
itong maunawaan para makapagbahagi ng suhestiyong makakapagpabago dito. |
|
KALIGIRAN NG MAY-AKDA |
|
|
RANDOLF S. DAVID Siya ay Sosyologo, Kolumnista, Mamamahayag,Television
Host, Propesor Emeritus ng Sosyolohiya sa Unibersidad ng Pilipinas, at
miyembro ng board of advisor of ABS-CBN Corporation. He is a Sociologist, Columnist, Journalist,
Television Host, Professor Emeritus of Sociology in University of the
Philippines, and member of board of advisor of advisor of ABS-CBN Corporation. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts degree,
major in Sociology sa University of the Philippines. Siya ang sumulat ng “ANG LIPUNANG FILIPINO: Isang Paglilimi ukol sa Modernisasyon at
Globalisasyon” na binasa sa Pandaigdigang Kongreso sa Araling Filipinas
sa Wikang Filipino [International Congress on
Philippine Studies], Agosto 2-4, 2017, National Museum, Manila) |
NILALAMAN NG
ARTIKULO: MGA PUNTONG TINALAKAY |
|
·
KAHALAGAN NG
SOSYOLOHIYA ·
Ang sanghay ng agham panlipunan na Sosyolohiya na naglalayong pag-aralan ang lipunan para matukoy
ang tamang pagbabago dito. ·
Wika ay mahalagang
kasangkapan sa proseso ng demokratisasyon. ·
GLOBALISASYON AT
MODERNISASYON ·
Globalisasyon paglulunsad ng
bagong plataporma ng komunikasyon ang social media. Ngunit hindi makasabay ang ating pamahalaan
sa pagbuo ng mga batas. Pati na rin ang mga kinagisnang institusyon ay hindi
makasabay sa bilis ng mga pagbabagong ito. ·
Modernisasyon ay bunsod ng
globalisasyon. Ito ay isang uri ng lipunan na may katangiang pagbubukod o
differentiation of function. ü
Ayon sa sulatin ni Randolf S. David ang halimbawa na “kung
dati ay lahi, angkan o pamilya, o uring kinabibilangan, o kasarian, ang pangunahing
gabay sa komunikasyon—sa modernong lipunan, ang mga ganitong katangian ay
unti-unting nawawalan ng halaga.” May panibagong takdang midyum ng
komunikasyon para mabisang maisagawa ang trabaho. ü
Ayon pa rin sa may-akda na “Ang proseso ng unti-unting
pagbubukod o differentiation ng iba’t-ibang larangang ito sa lipunan ay higit
marahil mapapansin sa panahon ng transisyon—kung saan ito’y nagbubunga ng
kalituhan na malimit humantong sa away.” ► TRADISYONAL VS MODERNONG LIPUNAN §
Awtoritaryanismo o kamay
na bakal noong
Panahon ng Diktadurya ni Marcos. Martial Law. ü
Isang bahagi ng kasaysayan na dapat huwag natin
kalimutan. ü
Hindi dapat sinasakal ng gobyerno ang mamamayan lalo na
sa isang bansang demokratiko. Bagaman ang kalapit nating bansa tulad ng
Tsina, South Korea, Singapore at Vietnam ay umunlad sa pagpapatupad ng kamay
na bakal ng kanilang lider ay hindi pwedeng kopyahin ü
Dapat parehong pinapahalagahan pa rin ang human rights at
civil liberties kasabay ng pagpapaunlad ng ekonomiya at “social harmony”. ü
Walang shortcut sa problema ng isang bansa kaya mahalaga
ang siyentipikong pagsusuri sa lipunan lalo na sa pulitikal na programa ng
pagbabago. §
Kapitalismo ü Nanatili pa rin ang
tagisan sa uring panlipunan. Hindi pa rin nasolusyunan ang problema ng
kahirapan matapos ang mapayapang protesta sa EDSA para bumagsak ang diktador. ü Lumang sistema pa rin
ang namamalakad sa bansa kaya buhay pa rin ang lumang problema. ü Overseas Filipino
Workers (OFWs) na nagsimula sa konsepto ni Marcos noong 1974. Tatlong dekada
na ay nandito pa rin at ginawang sandalan ng ekonomiya ng pamahalaan.
Dalawang bilyong dolyar ang ipinapadala ng mga OFW bawat buwan kaya’t
gustuhin man natin kumawala sa pang-aalipin ay hindi natin kaya dahil umaasa
rito ang bawat institusyon ng lipunan gaya ng bangko at iba pang kumpanya. §
Paghahalo ng
tradisyunal na relasyon at modernong pananagutan sa Mamasapano 2015 sa ilalim
ni Pangulong Aquino ü
Paghahalo ng personal na relasyon at propesyunal na
pananagutan Ni Pangulong Aquino na isinalang ang kaibigang suspendido na hepe
para sa Oplan Exodus. Nagkabulilyaso ang chain of command dahil dito. § Pangulong Duterte: isang matingkad na produkto ng lumang
lipunan at kultura § Ang politikong Pamlya
Parojinog na pinahuli dahil sindikato ng droga ayon kay Pangulong Duterte § Pagpapahuli sa
kritikong si Sen. Lelia de Lima kahit wala pang hatol na napatunayang may
sala § Paglilibing sa dating
Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani kahit maraming tutol rito. § Ang solusyon sa
problema sa droga na pagpatay sa mga “adik” sa droga na halos lahat ay mga
mahihirap ·
SOLUSYON ·
Ayon kay Randolf S. David, “Sa tradisyunal na lipunan,
ang tugon ng mga nasa kapangyarihan sa kahirapan ay gawin silang mga alila at
mga kapanalig na pinaasa sa iniaabot na biyaya. Sa isang modernong lipunan,
ang sagot sa kahirapan ay hindi simpleng pagbibigay biyaya—bagkus pagbibigay
ng kakayahan at oportunidad sa lahat, upang sila’y makatakas sa iba’t ibang
anyo ng pagka-alila. Sa pamamagitan ng pagbibigay libre o abot-kayang
edukasyon, suporta sa kabuhayan, kalusugan, at pabahay, inaako ng isang
modernong pamahalaan at komunidad ang pag-aangat sa katayuan ng bawat
mamamayan, bilang batayang pananagutan ng pambansang pamunuan, at hindi
bilang kapalit ng isang personal na obligasyon.” ·
Masinop at palagiang pagtanaw at pagtatanong sa sarili o Reflexivity
at panlipunang pagsusuri bilang instrumento ng panlipunang reflexivity. Dapat
na suriin sabi nga ni Randolf S. David ang lipunan mula sa loob at labas
nito, at iulat sa nakararami ang napag-aalaman—kung paano tayo nabubuhay
bilang isang lipunan, kung paano tayo nagpapasya, at kung paano nagbabago ang
ating mga pinahahalagahan (values) sa paglipas ng panahon ·
Sabi nga ni Marx: “Politicians and revolutionaries of
every generation have tried to change the world in various ways. The point
however is to understand what is happening to this world.” |
|
KONKLUSYON: MENSAHENG
NAIS IPARATING |
|
·
Ang mga lumang problema na kamangmangan, kahirapan, at
katiwalian ay nakaugat sa kawalan ng matatag na pambansang liderato, ng isang
pambansang bisyon na nananatiling buhay sa kabila ng pagpapalit ng mga
pinuno, at ng matibay na pambansang mithiin at plano na hindi binabago para
mapagbigyan lang ang nakaupo. ·
Ito ay nakaugat sa kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral
ng agham panlipunan, o ang Sosyolohiya. Matutukoy natin ang pinagmulan ng
suliranin sa ating lipunan kung susuriin natin ang bawat pangyayari sa ating
kasaysayan, ekonomiya, politika, at lalo na sa lipunan kung saan maaring
makabuo ng makabago at pangmatagalang solusyon sa luma at tradisyonal ng
problema sa ating bayan. |
https://www.prrm.org/prof-randy-s-david.html
https://kwfdiksiyonaryo.ph/
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento