Lumikha ka ng mundo
Makulay, sagana, at buo
Ngunit huwag lang titikim
Sa prutas ng tagong lihim
Dumating naman ang ahas
Tinukso ako nang patas
Pag ako raw ay nagmahal
Buong puso ko'y isusugal
Ako naman ay tumaya
Kahit alam na madadaya
Ano pa bang aking magagawa?
Ikaw ang Henesis, ikaw ang simula
Si Adan ay para kay Eba
Ang direksyon ng lumikha
Si Eba ay para kay Adan
Kaya't ako ay pasasaan pa?
Sinimulan ko man nang maaga
Hindi pa tapos winakasan ko na
Dahil ikaw ang Henesis, ako ang Pahayag
Magkalayong kabanata, 'di maglalayag
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento