PIGIL-HININGA (2025)

Pigil-hininga, baka kasi amoy patay na daga

Kahit nagsipilyo naman ako kaninang umaga

Pigil-hininga, baka tibok ng puso ay marinig niya

Tatagal ba itong damdamin o mawawala rin kaya?


Pikit-matang umaasang magugustuhan din niya

Kahit ako'y halatang-halata na mas bakla pa sa bakla

Pikit-matang nananalangin na sana nga ay siya na

Ang tugon sa bawat pagsamo't dalangin kay Bathala


Lagi nalang bang pigil-hininga at pikit-mata

Hahaplusin at susulyapan na lang sa hangin

Ang pag-ibig ko sa'yo ay dito na lang ba sa aking diwa

 Nasa kamay ng tadhana kung mamahalin o palalampasin

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...