Bakit nga ba pinanganak na kulang ang palad?
Sa mga salitang suntok kung sa bugbog ay matadtad
Kailangan bang maging kahihiyan ang katapangang pagladlad?
Kung ang katotohanang ako ay isang makulay at makinang na paghubad
Kung kalahati lang ang bahagharing mamatyagan at makikita
Sana'y maging hudyat ng payapa sa wakas ng bagyong puminsala
Para sa mga nagtago sa dilim ng nakaraang nagkulong nang paglaya
Para sa mga walang gapas na pinaslang dahil ang pagkakasala nila ay naging totoo sila
Pipiliting tahiin ang ang kalahating bahaghari nang ang susunod na henerasyon
Ang kwentong may kwenta dala-dala, bitbit-bitbit ang kasaysayan ng katapangang iyon
Nang ang hinaharap ay maging buo, ganap, at walang pagkakahon dahil ikaw ay ako
Ako ay ikaw, tayo'y sila, sila at tayo, walang pagkakaiba sa isang pantay-pantay na mundo
PS: Kakatapos ko lang basahin ang Kalahating Bahaghari ni Ricky Lee, isang tunay na representasyon ng mga Pilipinong sinikil dahil lang sa kung sino sila, sino ang minahal nila, sino ang pinili nila maging. Isang obra maestra.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento