BAYABAS SA PUNO NG MANSANAS (2025)

 Ang hirap maging bunga ng bayabas 

Sa puno na ang bunga ay mansanas

Para kang pinagsakluban ng lahat ng malas

Ang kalangitan ay 'di pa umaaliwalas


Akyatin man ang sangang malalabay

Sungkitin man ang bungang tinataglay

Mananatili ako sa puno, naghihintay

Mabubulok mag-isang mamamatay


Bakit ganito ang pagsibol ng buhay?

Mangangasim ang bunga kaya'y hiniwalay

Kinukwestiyon imbes maging tulay

Kahit parehong prutas ang trato sa'ki'y gulay





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...