TUGMA (2025)

Araw ng mga salitang pinagtagpo

Pinagsaliw sa iisang himig at ritmo

Ginawang paksa ang isang katulad mo

Sa komposisyon ng pagkikita uminog ang mundo


Umaasa ang salita sa mga tugma

Kariktang taglay-taglay ng isang tula

Marahil umaasa na rin ako kahit wala

Sa mga nakaw na sandali kapag kasama ka


Magtugma man ang mga piniling saknong

Ang kaibuturan ko'y laging magtatanong

Saan nga ba pupunta at hahantong?

Ang paghangang sa dibdib ay kinukulong

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...