LUMABO MAN ANG ISIPAN (2023)

Lumabo man ang isipan

Hindi man malaman 

Kung umaaraw o umuulan

Kung anong oras o buwan


Hindi naman makakalimutan

Sa aking pusong timtiman

Ang tunay kong kayamanan

Ang pamilyang aking tahanan


Silang magsisilbing isipan

Kung manlabo na itong tuluyan

Silang magsisilbing katawan

Kung manghina na akong tuluyan


Hindi ko man makilala ang pangalan

Kahit hindi ako maayos makipagkwentuhan

Alam ng aking puso na ikaw ang siyang minamahal

Sa kaloob-looban ng aking puso ikaw ay magtatagal

NO TO JEEPNEY PHASEOUT! (2023)

 Mga masisiglang busina ng hari ng kasada

Habang binabagtas ang mataong kalye ng Maynila

Hatid-hatid ang mga estudyante sa eskwela

At sa trabaho naman ang mga manggagawa


Ngunit ang gobyerno'y pilit na buburahin

Ang mga tsuper at komyuter sa kasaysayan natin

Parang kasinungalingan na lamang ang namamayani

Sa bayang ang mga lider ay bingi at mga nasa laylayan ay pipi


Tutulan natin ang pagbura sa mga hari ng ating kalye

Dahil kapag ang ating mga tsuper ay tuluyang sinisante

Ang mga kalsada natin ay magiging miserable

Pagkat hindi na tungo sa modenisasyon ang biyahe


WEDDING DRESS (2023)

 I'll just be your best man, I guess

But that doesn't mean I'll love you any less

Always know that you're my greatest

I just don't fit the wedding dress


Through and through, I'm your best friend

Your shoulder to cry on when you're heart's been broken

But I'll only be on your life's weekends

Because you only see us as friends


Maybe it's because you wish I were the girl of your dreams

Or maybe it's because I am not a shiny pearl of the seas

I will not be the one you'll hold hands in front of a priest

And seal it with "I dos" and altar's kiss


I just wish my love for you will be free

Flying, soaring up above like the birds from the tallest tree

I hope you know that I'll love you till I die

We're just afraid to give it a try

PASKONG NAGDAAN SA TAONG PANANDALIAN (2023)

 Mga kumukutikutitap na abot-taingang ngiti Noong tayo ay mga bata pang mumunti Umiindayog sa mga tugtog pang-Pasko Habang nakapila’t humihingi ng aguinaldo

Dating payak at karaniwang pagsasalu-salo

Sabayan pa ng inosenteng pagtingin sa mundo

Kasama ang pamilyang kumpleto at buo

Ang sarap balikan ng mga nagdaang Pasko


Sa matuling pagtakbo ng oras at panahon

Mga kasiyahan sa nilimot at  atin nang binaon

Sadya bang nagbago na ang selebrasyon

O mahirap nang pasiyahin mga puso natin ngayon?


Ngayong Pasko, kaliwa’t kanan na ang suliranin

Ang pagdanak ng dugo sa Gaza, Palestine

Ang mga taga-Congo na tahasang inaalipin

Ang mga tsuper ng tradisyunal na jeep ay sisisantehin


Magiging matamis pa rin kaya ang mga tsokolate?

Magiging malinamnam pa rin kaya ang nakahandang putahe?

Makapagpapahinga pa rin ba sa biyahe pauwi

Pauwi sa nakaraang mga Pasko na siyang minimithi


Sa pagdaan ng nagmamadaling takbo ng buhay

Ang Pasko nga ba ay nagbagong tunay?

O sadyang tayo na ang binago ng panahon?

Kaya’t sinasaliksik ang lalim at saysay ng kagalakan taon-taon


ISKOWENTO NA NAKAKANGILO NG WISDOM TOOTH (2023)

Isang makamasang araw sa ating lahat, mga Isko at Iska! 

(Wow kala mo may readers talaga ako AHAHAH. Practice lang!)

AHHH 2nd year na ako sa PUP. Can you believe it? 
Because I can. HUY! Naadik na ang mga bakla sa HUY at KIMMY na 'yan nagkakahawaan na kami.

Anyways, sobrang daming ganap ever since tumtuntong ako sa second year era ko as a Broadcasting Student. This has become an era of growth, of limitless possibilities, and of venturing outside the box. Hala si rule of threes! 

Pero, ayan, second year na mas marami na kaming courses related sa broadcasting na. Kaya talagang pasabog ang mg learnings at activities. Pero meron pa ring GEED na 'yan pero bet ko naman sila.

NIGHT SHIFT

Let's start with our schedule na talaga namang pang-gabi era na ang mga accla. Kasi may schedule na kami ng 6PM to 9PM at 3PM to 6PM. Face to face ito kaya nakakaloka ang pagbiyahe sa gabi. 

During the first times na gabi ang uwi ko sinasabayan ako ng nanay ko umuwi. Sabay kami sumasakay sa Cubao. Pero eventually nasanay na rin ako bumiyahe mag-isa pauwi. Napaka-traffic nga lang.

I think proud na ang 14 year-old self ko na alam ko na bumiyahe ngayon.


BROA COURSES

Ang BROA courses namin ay grabe na. Meron na kaming Writing and Production for Broadcast Media. Magkahiwalay na subject siya ha so may writing sessions and lectures kami. Plus may production classes, which is very technical and scientific. 

Crush ko rin pala prof namin. Okay judge me na. Gusto ko na kasi ng older guys at may trabaho na. Guys, be practical. Pero ayun siguro ang babaw ko talaga kasi na-inlove ako nung natawa siya sa pag-i-introduce yourself ako.

Ang sabi ko lang naman ay ako ay 19 year old stunner from Marikina. And my expectation is that I want to be a documentarist in the future so I want to learn from his expertise to become a reponsible, sensible, and incerdibel storyteller. Dahil naniniwala ako na bawat tao may kwento, at bawat kwento may kwenta.

Kaya ayan natawa siya sa akin. Pasabog ko naman kasi lagi. 

Plus 'yung Communication and Media Theories, Media Ethics, and Media Laws. CMT okay siya sa akin, elaborate ko later. Media Ethics parang joke time lang siya actually. Media Laws pigaan ng brain cells talaga.


DZMC-YCG Audition

Nung nalaman ko na kailangan ng credentials sa Curiculum Vitae kaya naman si bakla. Game face on na sa pagsabak sa org life. 

Plano ko na talaga sumali ng YCG wala kasi ang hirap ng audition talagang sinasala ang talent. HALA SI TALENT PORTION PALA. Pero andami rin kasing matututunan sa pagsulat ng balita at in over-all production. Kaya go talaga ako dito.

Nag-register ako nun mga Wednesday na. Actually pasabog na rin talaga mga sagutan ko sa forms. Queen of adjectives, alliteration, and rhyming ang atake ko diyan.

Tapos ang first phase ang kaloka, ginawa ng November 1. Kaya si bakla after magpunta ng sementeryo ay nag-writing challenge agad ng news. Maganda news na napunta sa amin kasi may flow na agad akong naisip kaya madali siya about sa first F2F airing ng YCG after 3 years.

Second phase ay news anchoring ng English at Filipino. Nadalian ako sa Filipino pero so far suprisingly okay rin naman ang English. Gusto ko pa rin mag-field reporter naman. Or sa showbiz reporter na ako talaga.

Sa third phase ay disk jockeying. So far dito ako nadalian kasi it's a test of personality and voice. So far naman kaya ko makipag-banter sa other personalities ko. Ang hindi ko malilimutan dito ay ang pag-ko-connect namin sa isaw at kabayo bilang pang-intro. Nag-talk dirty to me girl outfit ako nito at boogsh pasok sa banga naman.

Sa fourth phase naman ay interview. Dito rin ako nadalian kasi madaldal talaga akong tao. At gustong-gusto ko pag-usapan sarili ko. So ayun naglapag ako ng quotes here and there para magpa-impress. Pero talagang masungit at walang reaction sila habang ini-interview ka. Pero kiber lang ako 'no. Mas supladita kaya 'to KIMMY!

Nakapasa ako sa YCG at nakapasok sa Writing Department. Aba ewan ko na lang talaga kung hindi. 60 na tula yata pinasa ko sa portfolio 'no at mga dabest 'yon 'no.

TK

Tiki-Tiki naman for today. Ayan So Teatro Komunikado naman ang sunod kong in-audition-an. Actually wala nga akong na-receive na updates from them. Narinig ko lang kay Aizzel na audition day na pala kinabukasan kaya wala akong preparations whatsoever.

Kung hindi ako nagtanong malamang hindi ako nakapag-audition.

May pasok pa kami non the dqay before ng audition kaya nakakaloka pagod pa ako. Ang aga pa dahil 10AM call time ko.

Pag dating ko doon medyo delayed pa dahil nag-earthquake drill daw kinemberlu. Kaya medyo late na. So chinika-chika lang kami ng mga members na nagbabantay sa auditionees. First time din uli nila magpa-audition ng face-to-face.

So ayun na nga mga 1 hour or mahigit yata ako naghintay. Kasi 10AM ako dumating pero sumalang ako mga 12NN na. Kasabayan ko pa mga freshie 'di ba. Hindi naman nalalayo ang face ko sa fresh. Fresh from the burol. KIMMY. Ayan so mga baguhan pa sa mundo ng PUP ang mga kasama ko.

At ang nakasabay ko noon na sumalang sa mga levels ay mga taga BAPR mga Advertising and Public Relations sila. At freshie din. Ang isa ay walk-in auditionee at ang isa ay nag-register pero dapat mag-ba-back-out. O 'di ba ang interesting parang libro naman.

Tapos nabanggit ko nga 'di ba na may dalawang levels. Ang una ay gigisahin ka ng mga members at pangalawa ay sa mga execs or executives, sila 'yung mga officers ng organization. 

Sa unang level. Sinabihan agad kami na mababa ang energy grabe naman. Ako mababa ang energy? Baka lumalaklak 'to ng cobra? KIMMY lang. Ayun interview-interview ang atake ganyan. Sino ka? Anong ulam ka? Fast talk ka na ba? 

Ganyan tapos may improvisation acting kami. Ang atake raw ay pag nagsabi ang direk namin na magbago ng genre dapat magbabago rin acting namin. At ito pa may mga gamit na random na nakalagay sa lamesa sa likod. Ang twist ay gagamitin namin ang napiling item pero not as the item itself. For example hanger ang kinuha ko, hindi ko siya pwedeng gamitin na hanger dapat as kutsilyo kunwari ganern.

Ang atake napapalaugh si ate girl ninyo habang nag-a-acting. Paano ba naman kasi biglang nag-horror (na ang rinig ko ay chorus, bakit naman chorus? Teatro ka sumali teh hindi sa choir) tapos biglang nag-shift sa action. Napalaughter talaga si watashi wa. Kasi sabi ko may mumu doon sa gilid tapos nung action biglang naghagis ng bomba. 

Tapos ayun pala napagalitan kami kasi hindi raw kami serious with serious films. Naiyak nga 'yung isa e kasi binaboy raw namin 'yung art, which is I understand naman kaya nag-sorry ako seriously. Tapos ayun binali ko rin pala 'yung hanger kasi ginawa ko siyang kandila kunwari.

Basta ang chaotic ng acting session at patawa-tawa kami at ako especially. Tapos 'yung isang part ng acting ay emotions naman. Kung masaya, malungkot, galit, takot, at nakalimutan ko yung isa naumpog kasi ako kahapon sorry na ha. Ayan ang ganap then nagsabi kami ng number tapos pinag-plus tapos iyon ang binunot na linyang i-a-acting namin. Ang nabunot ay "Pinaparusahan na tayo!" Ayan nag-actingan naman kami this time mas serious at mas professional ang atake pero wala e na-disappoint na sila.

Well 'di ko na i-di-detail at baka maging nobela pa ito masyado. 

Sa level 2 ayan mga execs na. Mas dry ang atake ng tanungan. So ayun disappointed na naman sila dahil hindi namin naintindihan ang certain instructions. Well, mga ate gutom na 'tong mga 'to 'no. Saka pagod kakatayo nang isang oras naman. Saka wala talaga kaming kain pa no'n at pina-process pa ang panggigisa ng una. 

But in the end naging close ko 'yung dalawang nakasabay ko. Sabi ko nga sa kanila na best friends ko na sila e dahil may collective trauma na kami.

Ayan in the end hindi ako nakapasa sa teatro, which is apparently dahil daw sa mga kasama ko but I don't regret meeting them naman. Siguro hindi ko lang talaga time pa. Anyways, ito nga pala 'yung sinayang niyo. Babalik na lang ako next year kala niyo ha. Sabi nga ni late anchor na si Mike Enriquez na "Hindi ko kayo tatantanan!"

F2F

Ayan nakakapagod din nang sobra ang face-to-face 'no. Nangayayat ako nang sobra. Ang hirap din umisip ng susuot pag walang unifrom kaya paulit-ulit na lang. #ProudOutfitRepeater. Saka sanay na rin ako sa Pureza, Anonas St., at sa COC. Parang second home na talaga siya. Ayoko lang mag-commute nang umaga lalo na pag Monday. Para kang sardines in a can. OA naman. HAHAHA.

Mass Society Theory Report...

Balik-Sinta...

Dokyu...

Org Life...

Prod Life...





#FreePalestine (2023)

Tumatandang paurong

Ang mundong balatkayong pasulong

Mga bomba at balisong

Hinahagis sa inosenteng hingi ay tulong


Ang mundo ay nililito at nililihis

Ng bansang animo'y nagmamalinis

Kunwaring tupang maamo ang bihis

Pero wangis ay lobong mabangis


Mga batang sigaw ay saklolo

Sa mundong bingi sa pagtulong nang totoo

Pinabayaan na ba talaga sila

Ang bansang pangalan ay Palestina


#FreePalestine

TANDANG PANANONG? TANDANG PADAMDAM! (2023)

 Tandang Pananong

Sagutin ninyo ang mga nagtatanong

Tandang Padamdam 

Subukan niyo namang makiramdam


Tandang Pananong 

Ba't n'yo kami pinapatay, kinukulong?

Tandang Padamdam

Mga utak at sikmura ay kumakalam


Tandang Pananong

Karapatan namin ay isusulong

Tandang Padamdam

Kami'y titindig at makikialam


Tandang Pananong 

Kami'y sisigaw at hindi bubulong

Tandang Padamdam

Diwang makabayan 'di mapaparam


Tandang Pananong

Sa laban na ito'y 'di uurong

Tandang Padamdam 

Ilaw ng aktibismo'y di lumamlam

I DO NOT BELIEVE IN ROMANCE (2023)

 I do not believe romance exist for me

I believe it ceased to exist inside of me

It only exist for people who are bestowed with beauty

It only exist for people within heteronormativity


Am I not attractive or it's my lack of romance friction?

Am I not for love or is it my social isolation?

Or is it because romance only exists in the universe of fiction

In the realm of endless human creation and imagination


If romance exists, I hope it does, I hope it finds its way to me

If it does not, at least I will die believing that it's not for me

A romantic love that is flattering, fulfilling, and fleeting

A love that ceased to exist in my life that is slowly fading





KABALINTUNAAN (2023)

 Humihinga sa ilalim ng tubig

Sumisigaw nang walang nakaririnig

Kumakantang walang tinig

Nagmamahal ng walang pag-ibig


Isang malaking kabalintunaan

Isang maliit na 'di pagkakaunawaan

Isang mahirap mapagkatiwalaan

Isang mayaman sa kasawian


Pagbali-baliktarin man ang mundo

Ang mundo ay hindi man lang nalilito

Pagdugtong-dugtungin man ang tao

Ang mundo ay hindi pa rin magkakasundo

LITERASIYA NG MASA (2023)

Ang laban sa misimpormasyon at disimpormasyon
Laban ng lahat ng Pilipino, Isang bayan, Isang nasyon


Kasaysayan, kwento ng kahapon, ating pahalagahan
Ito ang huhulma sa ating kasalukuyan at kinabukasan

Mga alagad ng midya ay susulong at aarangkada
Palalaganapin at papagyamanin ang literasiya ng masa


Nang makawala sa gapos at tanikala ng diktadurya
Nang tunay na kasarinlan, kaunlaran, at kapatiran ay matamasa

BUHAY (2023)

Ang buhay may simula

Ang buhay may hangganan


Ang buhay may saya

Ang buhay may kalungkutan


Ang buhay may sigla

Ang buhay may kahinaan


Ang buhay ay may ganda

Ang buhay ay may kapintasan


Ang buhay may bida

Ang buhay may kalaban


Ang buhay ay mapaglaro

Ang buhay ay sadyang ganito



WHAT IF I'M NOT GAY? (2023)

 What if I’m not gay?

Would it pass like a normal day?

Will my life be a child’s play?

Would people be mindful of what they’ll say?

 

What if I am straight?

Will I receive love not hate?

Will I find my soulmate?

Without being criticized by state

 

Question run wild in my head

Wondering what lies ahead

Is there a rainbow waiting at the end?

Or will I be hidden instead?


PS: The original poem that I have written when I was in 9th Grade was nowhere  to be found. So, I recreated, reimagined, and reconstructed this poetry now. However, it still captures the essence of the first one.




LIHIM, PATALIM, TAKIPSILIM (2023)

Ang lihim na matagal kong ikinubli

Sa puso kong bumbilyang napupundi

Nabuksan tulad ng Kahon ni Pandora

Hanggang kainin ako nang buo at sa akin ay wala ng tinira


Ang patalim na nakatarak sa dibdib kong duguan

Ang patalim na sinaksak ng multo ng nakaraan

Mga sugat kong hindi pa naghihilom taon na ang lumipas

Ako’y buhay pa ngunit para ng bangkay na hinihintay maagnas


Sa takipsilim ay akin na bang matatagpuan

Ang katihimikan, kapayapaan, at kapatawaran

Nang mga hinanakit ko ay mawala na ng tuluyan

Nang kahit papaano ako, tayo ay maging masaya naman 

HINDI NA AKO TATAWAGING BUHAY PA (2023)

Sipain ang mukha

Tadyakan ang natitirang pag-asa

Ingudngod sa putik ng kalsada

Ano pa? Gawin mo na


Punitin ang takdang aralin

Hitsura ko ay kutyain

Basagin ang salamin

Ano pa? Hindi na tao ang tingin sa akin


Kulang na lang ay kumuha ka ng kutsilyo

Sa akin ay isaksak nang tuluyan nang patay na ako

Dahil hindi na ako tatawaging buhay pa

Kung kaluluwa ko ay nasa libingan na

PILIPINAS ANG HIRAP MONG MAHALIN (2023)

Pilipinas bakit ang hirap mong mahalin

Ika'y nagpapakadusta sa mga suwail

Mga leeg mo ay gano'n na lang kung kanilang sakalin

Ika'y nagpapaalipin sa mga taksil


Pilipinas bakit ang hirap mong ipagtanggol

Gagawin nilang pambayad ang mga sanggol

Nais nilang sipain at patayin ang mga mahihirap

Habang ang mga mayayaman ay nagpapakasasa sa alapaap


Pilipinas ang hirap mo'y hirap din namin

Bawat sugat mo ay dobleng hapdi sa amin

Bawat luha mo ay hagulgol ng bayan natin

Bawat sigaw mo ay nagpapaalab ng galit namin

PILA (2023)

Madaling araw bumangon

Para aking maipon

Pangarap ko sa munting garapon


Pipila nang maaga

Sa bukang-liwayway ay mauuna

Para sa pangarap kong sigla


Magtitiyaga sa init ng umaga

Magbabanat ng buto kahit bata

Para sa pangarap kong ginhawa

PANALANGIN (2023)

Nakaluhod na nagsusumamo

Hawak-hawak ang butil ng rosaryo

Sambit ang nag-iisang panalangin

"Sana ako ay Inyo na pong kunin"


Aking isip, puso, at kaluluwa

Umaawit ng isang himig ng panalangin

Ako ay papanawin dito sa lupa

Sana'y munting tinig ko'y dinggin


Hapis at tangis sana'y magwakas

Alak sa kalis ay makalampas

Yaring panalangin kong madalas

Matuldukan kapalaran kong malas

PAGMAMALABIS (2023)

Sa mata ng iba 

Kilos ko'y kakaiba

Taliwas sa nakikita

Kaya hindi makapaniwala


Tingin nila sa bawat kilos

Isang pagmamalabis

Lagi ko raw binubuhos

Sandaang porsiyentong pawis


Masyadong maligalig

Masyadong umiibig

Masyadong galawgaw

Masyadong magaslaw


Kung sa mata nila ay ganoon ako

Sa salamin ang nakikita ko

Isang taong magtatagumpay

Sa kabila ng maraming pagsablay

BAHA (2023)

 Walang hinto ang pagbuhos ng ulan

Binabayo pa ng pag-ihip ng hangin

Dala ng habagat na nararamdaman

Ang aking bawat siphayo at dalangin


Ang daluyong na marahas na humahampas

Habang ang baha ay patuloy na tumataas

Binubuno ang aking natitira pang lakas

Hindi man lang ako nakaligtas at nakalikas


Abot-dibdib na ang baha nang sumuong

Wala man lang sa aking tumulong

Dala-dala ang natitirang pag-asang lumaban

Bago ako malunod at agusin nang tuluyan


LIPUNANG NAHAHATI SA DALAWA (2023)

Mga taong nakahiwalay sa lipunan ng realidad

Utak ay malayo at kung saan-saan napapadpad

Mga bakasyong engrande at lumilipad-lipad

Nakasarado ang mga pitaka at nakatikom ang palad


Hindi makatayo at hindi makalakad

Mga paang sa lupa ay 'di sumasayad

Nasanay na laging nakatingkayad

Dahil sa pribilehiyong nagpatingkad


Mga may taong may pilak na kutsara't tinidor

Samantalang ang iba sinisinghot na lang gamit ng pintor

Ang lipunang nahahati sa dalawa dahil nagbubulag-bulagan ang kunsintidor

Kaya't nalulubog nang nalulubog ang mga kapatid nating nasa laylayan na mga sektor


KUNG HINDI AKO NILIKHA PARA MAGMAHAL (2023)

Putol ang mga panulat

Tikom ang mga bibig

Boses ay namamalat

Sa usapin ng pag-ibig


Kapos-palad na naglalakbay

Tanawin ang magkakahawak-kamay

Samantalang naglulupasay

Ang pusong nag-iisang nabubuhay


Kung hindi ako nilikha para magmahal

Sana ang puso ko'y inyo nang tinanggal

Para hindi na maging isang hangal

Na maghintay sa pag-ibig na hindi naman dadatal



AYAW KO NA TUMANDA (2023)

Ayaw ko na tumanda

Mas mabuti pang pumanaw na

Nang mayroon pang sigla

Kahit pa marami pang "sana"


Mabuti pang maaga

Mayroon pang alaala

Mayroon pang gugunita

Kaysa mapuno lang ng pagkadismaya


Ayaw ko na tumulad pa sa mga matatanda

Na araw-araw bugnutin, tila nilisan na ng tuwa

Gusto ko baunin ang mga ngiti at tawa

Sa kabilang buhay, kung saan ako ay magpapahinga



ESTRANGHERO (2023)

Mga estrangherong may pinagsamahan

Dating magkakilala at magkadaop ang mga palad

Mga estrangherong may pinag-awayan

Dating nagtatawanan, ngayon ay kapus-palad


 Ang dating magkalapit ay lumalayo  naang loob

Ang bangkang sinasakyan ay unti-unti nang tumaob

Maisasalba pa ba ng maraming lumulutang na salbabida

O baka lumubog na lang na poot, hinanakit, at lungkot ang dala


Kung maisusulat natin muli ang ating salaysay

Marahil ay huwag na lang sana simulan

Sa simula palang ay lumakad na tayo sa magkaibang tulay

Para wala ng estranghero ang magdusa at masaktan

HURT PEOPLE HURT PEOPLE (2023)

 hurt people hurt people

end the cycle, end the ripple

better people better circle

end the battle, end the trouble



SIRENA (2023)


Lumalangoy sa sariling luha

Nanaghoy sa sariling tula

Dumudungaw sa dayuhang lupa

Nangangarap ng kakaibang paghanga


Malabong magtagpo ang ating mundo

Ang tahanan ko ay karagatang tago

Lupa ang siyang tinatapakan mo

Hanggang nakaw-tingin na lang ang puso ko


Sabi nila na wala raw luha ang mga sirena

Ngunit sa pagkirot ng dibdib kong sumisinta

Kumintal sa aking mga mata ang hinagpis

Nang masdan ko ang aking pag-ibig na lihim at lihis

BUHAY PA KO, 'DI LANG HALATA (2023)

Ang daming nangyaring sa nakalipas na apat na buwan -  mula Marso hanggang ngayong Hunyo. Nako, handa na ba ang mga mata ninyo para basahin ang mala-nobela kong pagkukwento. Ngayon lang nagkaoras

My Birthday

Syempre, nag-birthday ako ano ba naman kayo? March 3 nag-birthday ako pero since First Friday ng Lent. Bawal ang karne. So ang handa ko ay sopas. My favorite. Masaya naman ako duhhh. Nagsimba kami sa Quiapo tapos nakita ko ang crush ko na sakristan for the first time kasi dati online ko lang siya nakikita. And 19 years old na ako. Can you believe that? I cannot, mentally I am still 3 years old. KIMMY! Pero ayun simple birthday celebration and I am thankful for that.

Start of 2nd Semester March 20

Nag-start na ang 2nd Semester at mayroon na kaming face-to-face. Pang fourth time ko na pumunta sa PUP. 1st time nung nagpasa ng requirements. 2nd nung nag-confirm kung nasa listahan ba talaga ako ng mga may section. 3rd ay nung kumuha ako ng ID namin. Ngayon, fourth time nasa COC kami as in College of Communication. First day of Introduction of Broadcast Media. Nag-ask lang si professor namin ng expectation at syempre si bakla ang sinagot ay: "Excited na po akong makakita ulit ng pogi sa personal." The usual me lang at natawa tuloy sila dahil napaka-unserious ko. Nilapag niya rin ang final requirement namin agad-agad. SHOCKING! Ang finals daw namin ay gagawa ng 1-Day Television Program Concept Paper. Kasama na doon ang TV Station at set of programs. 

Mama Aning's Death and Funeral

It was expected, but it still hurt. My auntie just passed away last year and this year my grandmother. It was really hard to process, but I am happy that she is now in a better place free from suffering. Buti nabisita namin siya last January. I miss my lola and my tita so much. 

Umuwi si Daddy sa Pilipinas

Dahil nga sa pagkamatay ng lola ko, umuwi agad ang tatay ko dito. Napaaga ang bakasyon niya na dapat sa August to September pa to celebrate sana his 50th birthday celebration and my lola's 90th birthday celebration. Kaso 'yun nga, God has different plans. . 

Face-to-Face Classes 

I become accustomed na so far sa commuting ayan. Sa buhay komyuter na ako. Pero since hindi naman everyday ang face-to-face namin kaya nakakapagpahinga naman ako in-between. Ang face-to-face lang namin ay para sa major subject at sa PE namin kaya very limited lang talaga. Minsan once a month, minsan thrice a month. Ganyan. Tas minsan pag required mag-practice as a group aalis syempre ng bahay. Nag-practice din kami sa Sunken Garden para sa routine namin sa PE at naka-uno kami doon. BOOGSH!

College Life

Ayan na ang college life, so far nakakapag-adjust na at baon pa rin natin ang double c and a single p, which stands for creativity, competitiveness, and punctuality. So, it has really helped me a lot to cope with the endless to do lists, the scorching heat in the streets of Manila, and the straining commuter's life. Pero I have learned so much naman, from my classmates and from my professors. 

UP OU MODEL

Ayan, dito nag-enroll lang ako sa Principles of Graphic Design and Scriptwriting for Educational Materials. Masaya siya and interactive kaya marami akong natutunan. Recommend ko din siya sa inyo. 

Commuter's Everyday Struggle

Dito ko naranasan ang talagang siksikan sa LRT at ang rush hour na mahirap humagilap ng sasakyan pauwi grabe. The commuter's struggle is real.

Pinalayas kami sa dating apartment

Ito na ang chika. HUY, diyan kayo magaling e. Pero ito na nga kasi balahura ang isa namin kapitbahay ang isa naman feeling Edward Cullen at gising sa gabi at binubutinting ang kung anu-ano imbes na mahimbing ang tulog ay talagang nightmare siya. Ang isa naman apaka-loud ng voice hindi naman maganda kaimbyerna at pinapatae at ihi ang aso sa tapat namin grabe ang ugali. At ang yellow guy na oblak nag-side sa dalawang Hudas grabe ang ugali at kami ang nag-sashay away. Iyon lang.

Lumipat kami ng bahay

Lumipat na nga kami syempre, pinalayas nga. Parang 'di kami naman nakakaintindi. HUY si galit pala ito. Chariz! Pero ayon lumipat kami sa medyo further pero within the city lang naman. Kaya adjust-adjust si bakla sa commute and everything.

'Yun lang naman buhay pa ko, 'di lang halata. Hanggang sa susunod na kwentuhan. Baboo!


A BA KA DA (NG MGA TUMATANDA NA) (2023)

A Ba Ka Da

Ang dating inaaral ng bata

Binibigkas na ng isang tumatanda na

Kakasimula palang tumapak

Dito sa mundong bawal pumalpak


A Ba Ka Da

Akuin ang lahat ng mga responsibilidad

Biguin ang mga umaasang komunidad

Kaladkarin ang sariling pangarap sa kawalan

Dakpin ang bumabalakid na kasiyahan


A Ba Ka Da

Akala ko ang mundo madali

Bakit bawal ang pagkakamali

Kaya laging nagmamadali

Dahil dito ang matibay lang ang nagwawagi

ORAS (2023)

Matulin ang pagtakbo

Ng mga maliliit na kamay ng relo

Lagi na lang nagmamadali

Ayaw huminga kahait sandali


Ang isang kisapmata ay segundo

Pagdilat muli ay nagiging isang minuto

Hanggang sa maging isang oras

Hanggang sa isang araw na ang lumipas


Hinihingal na sa pagtakbo sa oras na 'di mapigil

Pinipigil ang damdaming nakagigigil

Hanggang sa ako ay tuluyan na mapagod

Nang mabasag ko na ang relo inuuod



KAHULUGAN (2023)

Hinagis at nahulog

Nagising at natulog

Mayroon bang dahilan?

Mayroon bang kahulugan?


Ang araw-araw na kaganapan

Ang gabi-gabing kadiliman

Mayroon bang kadahilanan?

Mayroon bang kinukubling kahulugan?


Kung mayroon mang dahilan

Kung mayroon mang kahulugan

Sana ito ay aking maintindihan

Dahil kung hindi ay para saan pa na ito ay aking naranasan


LINYA (2023)

 Mga damdaming isinasatitik

Mga titik na sa puso ko'y tinik

Mga tinik sa loob na mabigat

Mga mabigat na karanasan siyang ugat

Mga ugat na hindi mabunot-bunot kahit dumaan

Mga dumaang tao sa aking  buhay nang marahan

Marahang tumuloy ngunit umalis nang 'di nagpaalam

Kaya't sugat ay lumalim at ang ilaw ang lumamlam


Ang inakalang kapanglawan na agarang mapaparam

Isang akalang nagbunsod ng marubdob na pagdaramdam

Pagdaramdam na dama sa bawat linya 

Bawat linya na tagos sa kaluluwa

Kaluluwang binabangungot ng alaala

Alaala ng mga sakit na dala-dala

Dala-dala saan man ako dalhin ng tadhana

Maghihilom pa kaya ang nakaraang hindi ko mapalaya



SAND CASTLE (2023)

A sand castle was built
With infatuated love and guilt
The wave erased everything
For it was a one-time swing



PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...