LIPUNANG NAHAHATI SA DALAWA (2023)

Mga taong nakahiwalay sa lipunan ng realidad

Utak ay malayo at kung saan-saan napapadpad

Mga bakasyong engrande at lumilipad-lipad

Nakasarado ang mga pitaka at nakatikom ang palad


Hindi makatayo at hindi makalakad

Mga paang sa lupa ay 'di sumasayad

Nasanay na laging nakatingkayad

Dahil sa pribilehiyong nagpatingkad


Mga may taong may pilak na kutsara't tinidor

Samantalang ang iba sinisinghot na lang gamit ng pintor

Ang lipunang nahahati sa dalawa dahil nagbubulag-bulagan ang kunsintidor

Kaya't nalulubog nang nalulubog ang mga kapatid nating nasa laylayan na mga sektor


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...