LUMABO MAN ANG ISIPAN (2023)

Lumabo man ang isipan

Hindi man malaman 

Kung umaaraw o umuulan

Kung anong oras o buwan


Hindi naman makakalimutan

Sa aking pusong timtiman

Ang tunay kong kayamanan

Ang pamilyang aking tahanan


Silang magsisilbing isipan

Kung manlabo na itong tuluyan

Silang magsisilbing katawan

Kung manghina na akong tuluyan


Hindi ko man makilala ang pangalan

Kahit hindi ako maayos makipagkwentuhan

Alam ng aking puso na ikaw ang siyang minamahal

Sa kaloob-looban ng aking puso ikaw ay magtatagal

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...