Mga damdaming isinasatitik
Mga titik na sa puso ko'y tinik
Mga tinik sa loob na mabigat
Mga mabigat na karanasan siyang ugat
Mga ugat na hindi mabunot-bunot kahit dumaan
Mga dumaang tao sa aking buhay nang marahan
Marahang tumuloy ngunit umalis nang 'di nagpaalam
Kaya't sugat ay lumalim at ang ilaw ang lumamlam
Ang inakalang kapanglawan na agarang mapaparam
Isang akalang nagbunsod ng marubdob na pagdaramdam
Pagdaramdam na dama sa bawat linya
Bawat linya na tagos sa kaluluwa
Kaluluwang binabangungot ng alaala
Alaala ng mga sakit na dala-dala
Dala-dala saan man ako dalhin ng tadhana
Maghihilom pa kaya ang nakaraang hindi ko mapalaya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento