SIRENA (2023)


Lumalangoy sa sariling luha

Nanaghoy sa sariling tula

Dumudungaw sa dayuhang lupa

Nangangarap ng kakaibang paghanga


Malabong magtagpo ang ating mundo

Ang tahanan ko ay karagatang tago

Lupa ang siyang tinatapakan mo

Hanggang nakaw-tingin na lang ang puso ko


Sabi nila na wala raw luha ang mga sirena

Ngunit sa pagkirot ng dibdib kong sumisinta

Kumintal sa aking mga mata ang hinagpis

Nang masdan ko ang aking pag-ibig na lihim at lihis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...