Ang daming nangyaring sa nakalipas na apat na buwan - mula Marso hanggang ngayong Hunyo. Nako, handa na ba ang mga mata ninyo para basahin ang mala-nobela kong pagkukwento. Ngayon lang nagkaoras
My Birthday
Syempre, nag-birthday ako ano ba naman kayo? March 3 nag-birthday ako pero since First Friday ng Lent. Bawal ang karne. So ang handa ko ay sopas. My favorite. Masaya naman ako duhhh. Nagsimba kami sa Quiapo tapos nakita ko ang crush ko na sakristan for the first time kasi dati online ko lang siya nakikita. And 19 years old na ako. Can you believe that? I cannot, mentally I am still 3 years old. KIMMY! Pero ayun simple birthday celebration and I am thankful for that.
Start of 2nd Semester March 20
Nag-start na ang 2nd Semester at mayroon na kaming face-to-face. Pang fourth time ko na pumunta sa PUP. 1st time nung nagpasa ng requirements. 2nd nung nag-confirm kung nasa listahan ba talaga ako ng mga may section. 3rd ay nung kumuha ako ng ID namin. Ngayon, fourth time nasa COC kami as in College of Communication. First day of Introduction of Broadcast Media. Nag-ask lang si professor namin ng expectation at syempre si bakla ang sinagot ay: "Excited na po akong makakita ulit ng pogi sa personal." The usual me lang at natawa tuloy sila dahil napaka-unserious ko. Nilapag niya rin ang final requirement namin agad-agad. SHOCKING! Ang finals daw namin ay gagawa ng 1-Day Television Program Concept Paper. Kasama na doon ang TV Station at set of programs.
Mama Aning's Death and Funeral
It was expected, but it still hurt. My auntie just passed away last year and this year my grandmother. It was really hard to process, but I am happy that she is now in a better place free from suffering. Buti nabisita namin siya last January. I miss my lola and my tita so much.
Umuwi si Daddy sa Pilipinas
Dahil nga sa pagkamatay ng lola ko, umuwi agad ang tatay ko dito. Napaaga ang bakasyon niya na dapat sa August to September pa to celebrate sana his 50th birthday celebration and my lola's 90th birthday celebration. Kaso 'yun nga, God has different plans. .
Face-to-Face Classes
I become accustomed na so far sa commuting ayan. Sa buhay komyuter na ako. Pero since hindi naman everyday ang face-to-face namin kaya nakakapagpahinga naman ako in-between. Ang face-to-face lang namin ay para sa major subject at sa PE namin kaya very limited lang talaga. Minsan once a month, minsan thrice a month. Ganyan. Tas minsan pag required mag-practice as a group aalis syempre ng bahay. Nag-practice din kami sa Sunken Garden para sa routine namin sa PE at naka-uno kami doon. BOOGSH!
College Life
Ayan na ang college life, so far nakakapag-adjust na at baon pa rin natin ang double c and a single p, which stands for creativity, competitiveness, and punctuality. So, it has really helped me a lot to cope with the endless to do lists, the scorching heat in the streets of Manila, and the straining commuter's life. Pero I have learned so much naman, from my classmates and from my professors.
UP OU MODEL
Ayan, dito nag-enroll lang ako sa Principles of Graphic Design and Scriptwriting for Educational Materials. Masaya siya and interactive kaya marami akong natutunan. Recommend ko din siya sa inyo.
Commuter's Everyday Struggle
Dito ko naranasan ang talagang siksikan sa LRT at ang rush hour na mahirap humagilap ng sasakyan pauwi grabe. The commuter's struggle is real.
Pinalayas kami sa dating apartment
Ito na ang chika. HUY, diyan kayo magaling e. Pero ito na nga kasi balahura ang isa namin kapitbahay ang isa naman feeling Edward Cullen at gising sa gabi at binubutinting ang kung anu-ano imbes na mahimbing ang tulog ay talagang nightmare siya. Ang isa naman apaka-loud ng voice hindi naman maganda kaimbyerna at pinapatae at ihi ang aso sa tapat namin grabe ang ugali. At ang yellow guy na oblak nag-side sa dalawang Hudas grabe ang ugali at kami ang nag-sashay away. Iyon lang.
Lumipat kami ng bahay
Lumipat na nga kami syempre, pinalayas nga. Parang 'di kami naman nakakaintindi. HUY si galit pala ito. Chariz! Pero ayon lumipat kami sa medyo further pero within the city lang naman. Kaya adjust-adjust si bakla sa commute and everything.
'Yun lang naman buhay pa ko, 'di lang halata. Hanggang sa susunod na kwentuhan. Baboo!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento