Mga estrangherong may pinagsamahan
Dating magkakilala at magkadaop ang mga palad
Mga estrangherong may pinag-awayan
Dating nagtatawanan, ngayon ay kapus-palad
Ang dating magkalapit ay lumalayo naang loob
Ang bangkang sinasakyan ay unti-unti nang tumaob
Maisasalba pa ba ng maraming lumulutang na salbabida
O baka lumubog na lang na poot, hinanakit, at lungkot ang dala
Kung maisusulat natin muli ang ating salaysay
Marahil ay huwag na lang sana simulan
Sa simula palang ay lumakad na tayo sa magkaibang tulay
Para wala ng estranghero ang magdusa at masaktan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento