SA DULO NG DAAN (2021)

Sa dulo ng daan

Doon ba matatagpuan?

Ang ating naiwan

Naiwang pagmamahalan

 

Makakahanap ba ng paraan

Paraan para magpansinan

Magpansinan para malinawan

Malinawan sa nakaraang labuan

 

Ilang McDo pa ba ang kakainan

Para ika’y masulyapan

Para ika’y masilayan

Sa dulo pa ba ng daan?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...