KUMUSTA? (2021)

Kumusta ka na?
Tagal na noong huli tayong nagkita
Nami-miss na kita
Mag-ingat ka ha

Simpleng pangungumusta
Malayo man ang distansya
Nagdudugtong ng kaluluwa
Ngumingiting abot-tainga

Katagang nagsisimula
Ng mga kwento't istorya
Ng tawa at luha
Ng pagkakakilala

Sa simpleng "kumusta ka?"
Tao'y napapakalma
Tao'y napapasaya
Tao'y nabibigyang-halaga

Kaya't habang may pag-asa
May taong nangungumusta
Habang may nangungumusta
Mundo'y patuloy na sisigla

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...