HULING TULA PARA SA 'YO (2021)

Ang huling tula para sa ‘yo

Ako’y aalis na’t magpapakalayo-layo

Lilibutin ang bawat sulok ng mundo

Nang magbago ang pintig ng puso

 

Tayo’y tulad ng kantang sintunado

Masining man ang liriko’t kaakit-akit ang ritmo

Ngunit hindi swak, hindi sakto

Tayo’y awiting hindi mag-iisa, hindi mabubuo


Masakit man tanggapin ang totoo

Hanggang dito na lang ang humahangang ako

Nagpapaalam, nagpapasalamat, at nag-aalay ng huling regalo

Sana iyong nagustuhan ang huling tula ko para sa’yo 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...