Mga itim mong mata
Na s’yang nagbigay sigla
Na s’yang nagbigay-kulay
Sa buhay kong matamlay
Mga ngiti mong pana
Ni Kupidong madaya
Na s’yang nagbigay tulay
Na may harang at bantay
Ang boses mong musika
Sa puso ko’t tainga
At iyong mga kilay
Na halina ay taglay
Bukod sa gwapong mukha
Nadala rin sa tawa
Ito’y paghangang tunay
Tulang ito sa ‘yo ‘y alay
PS: Kung ‘kala mo para sa ‘yo ‘to… tama ka!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento