SA ATIN PA BA ANG PILIPINAS? (2021)

Pilipinas, tila hamak na paninda

Inilalako ng lilo sa murang halaga

Sa imperyalistang Amerika

Sa Tsinang nangangamkam ng isla

 

Tayo raw ay kanilang probinsya

Talagang nakaaalarma

Dugong dumanak sa Luneta

Ay pawang isinasawalang-bahala

 

Sa atin pa ba ang Pilipinas?

Huwag na nating ipadanas

Sa bagong henerasyon

Ang sa banyagang persekusyon

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...