KUNG MAY LAPIS KA (2021)

Kung may lapis kang may tasa

Sumulat ka at nang mamulat ka

Mamulat ka at mamulat din ang iba

Sa mundong mapangahas at madaya

Na laging nasa laylayan ang mahirap at mahina

 

Kung may lapis ka at pambura

Sumulat ka at nang mabasa nila

Mabasa nila at mabasa pa ng iba

Ang mundong hindi nagbabalita

Ng mga hinaing ng mararalita

 

Kung may ballpen ka na may tinta

Iyan ay iyong sandata para ipaglaban sila

Ipaglaban sila at nang lumaban din sila

Sa mundong gagawin nating malaya

Ang bawat tao lalo na ang mahirap at mahina

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...