Huwag mong ikumpara ang sarili sa iba
Ikaw ay sisne samantalang siya’y agila
Siya’y sa himpapawid at ikaw ay sa lawa
Huwag mong ikumpara ang sarili sa isang tao
Sa isang taong binasag kang parang baso
Na pagtapos ay papalitan ka ng bago
Huwag mong ikumpara ang sarili sa kaniya
Sa hardin kayo’y rosas at sampaguita
Kapwa mahalimuyak at kaaya-aya
Timbangin mo munang patas at wasto
Ang kakayanan mo, hitsura, at talento
Bago Ikumpara sa iba ang sarili mo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento