BAHAGHARI (2021)

O, sikat na matindi

Sa langit ngumingiti

Kulay ng bahaghari

Tingkad na sari-sari

 

Ibon na humuhuni

Alaala kong munti

Na lumaking lalaki

Ngunit puso’y babae

 

Pangalang itinanggi

Pag-ibig na itinali

Hinipan mo ang sindi

At bumbilya’y napundi

 

Napalitan ang ngiti

Ng trahedya mong bungi

Iyo nang isauli

Ngiti ko’t bahaghari

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...