ULSER (2025)

Nalipasan na ng gutom 

Napanisan na ng laway

Sa alak ng buhay umiinom

Naiinip sa tagal na paghihintay


Umiikot ang sikmura

Pag ikaw ang nakikita

'Di alam kung ako ba o siya

Pero ayoko nang umasa pa


Ikaw ang sugat ng taggutom

Kailan kaya maghihilom

Magpapaalam kahit 'di naman nagbatian

Magpaparaya kasi ako ay di nagustuhan

GUSTO KO MAGTAMPO SA'YO TADHANA (2025)

Gusto ko magtampo sa'yo tadhana

Bakit mo pa siya pinakilala?

Kung kami naman ay magiging alaala

Na mahirap balikan, mahirap pa bitawan


Paano kita makakalimutan?

Kung ang iyong pangalan

Ay nasa sikat na pandesalan

Dito sa Marikina na aking tahanan


Oras, paano mo ako lilipasan?

Kung ang pagsilay ay ginagawan

Ng kung anu-anong palusot at paraan

Lagi mo namang pinagbibigyan


Kaya't magtatampo na lang ako

Sa tadhanang sanhi ng aking pagkalito

Ako ay paikot-ikotin pa ninyo

Hanggang sa tuluyan na lang ako mahilo

HININGA, PAA, AT LUHA (2025)

Lumalim nang lumalim ang hininga

Hinuhukay ang kaibuturan ng kaluluwa

Kaya't tumambad ang bangkay, naagnas na

Umaalingasaw ang masangsang na diwa


Humihiwalay ang isip sa aking paa

Naglalakad sa gitna ng kalsada

Ang mga kotse ay binabangga

Hanggang mabundol sa pagkatulala


Nalulunod sa karagatan ng luha

Wala man lang naghagis ng salbabida

Lumulutang, lumulubog, lumalansa

Nananadya ang lambat ng mangingisda

PURGATORYO (2025)

'Di ako mabait, 'di ako masama

'Di ka rin naman demonyo o santo

Pinagbabayaran natin ang sentensiya

Sa kalagitnaan tayo nasa purgatoryo

PILIT (2025)

Inilalayo ka ng langit

Kahit ako ay lumalapit

Ang puso tuloy ay naiipit

Nahihinog sa pilit


Pinipili-pili mo siya

Pinipili-pili ko ikaw

'Di umaayon ang tadhana

Natutuyot, nauuhaw


Bakit ka pa umaawit

Ang tugtog ginagamit

Pareho naman tayong may lawit

Lawit ang dila kakapilit


Walang ako sa harana

Kinukulang sa kapalaran

Walang ako sa mga tala

Pinaglalayo ng kalawakan


PS:

'Wan ko ba? I mean supposedly kikiligin ako right? Pero talagang kinalyo at minanhid ako ng panahon kanina. Siguro kasi nag-cope na ako agad. 'Di ko lang gets bakit sinabi na nambababae at nanlalalake proudly HAHAHA. Well, you do you. I'll do me. Pero naging realistic lang tingin ko sa pag-ibig talaga. I mean kinilig (22 percent) ng kumanta sila on the spot. Pero 'yun na 'yon.


AKO ANG MASOKISTA; IKAW ANG SADISTA (2025)

Ako ay masokista

Ikaw ay sadista

Tayo'y itinadhana


Saktan mo lang ako, ang aking puso

Hanggang magsawa ka sa gusto mo

'Di ko inaalintana


Dahil ako'y ang masokista

Ikaw naman ang sadista

Tayong dalawa ay para sa isa't isa


Tadyakan mo ako ng iyong pag-iwas

Sikmuraan mo na rin para patas

Ako pa ang hahabol sa'yo


Pagkat ako ay masokista

Ikaw ang paboritong sadista

Hanggang kamatayan na ito

INA (2025)

Alam kong may Diyos

Pagkat minahal mo ako nang lubos

Ikaw ang siyang pinadala

Para pag-ibig Niya'y maipadama


Binalot mo ng lampin ng aruga

Pinaliguan ng mga pangaral

Hinehele ng pangarap at pag-asa

Pinapawi ang sa mundong pagkahingal


Ikaw ang inang handog ng itaas

Yapos mo ay palaging nasa puso

Babaunin ko sa bawat landas

Sa aking paglalakbay sa mundo

MABATHALANG AWA (2025)

Saan man ako magtagong sulok

Natatalastas mo, O Diyos, ang aking silid

Ang iyong pagmamahal ay pumapasok

Sa aking pusong kahit ito'y nakapinid


Hindi man umusal ang aking bibig

Malunod man sa dagat ng pag-aalinlangan

Nililigtas ako ng iyong dakilang pag-ibig

Hinihilom ang sugat ng aking nakaraan


Nananalig ako sa iyong Mabathalang Awa

Ang tanging moog ko at tanggulan

Isa lamang akong hamak na balana

Sa lupa, huwag sana akong pabayaan

PURGA (2025)

'Di ka maalis sa isip ko

Para kang isang bulate

Nandito ka pa sa aking puso

Para kang sanlibong kiti-kiti


Kailangan na kitang mapurga

Sa aking buhay, sa aking sistema

Idudumi na lang kita sa may eskinita

Doon siguro makakalimutan na kita


Pero paano pag malala na

Kinain mo na aking laman-loob

Tuluyan na akong nadisgrasya

Ang isip ko ay bigla nang tumaob


Kailangan na kailangan na kita

Mapurga sa aking buong sistema

Kung hindi ako'y tuluyang masisira

Pero pa'no pag wala ka na?

FIRST BOOK OF THE BIBLE (2025)

First book of the Bible

You started the cycle

 Of my endless longing 

Your sweet, sweet loving


Oh you beloved apostle

A creature shining, bedimpled

Melodies of your hymn

But you love a her, not a him


Why did angels sent you?

If our story drowned before it do

All the rainbows of promises

Now, it's just us and farewells



YOU WOULD CHOSE A GIRL (2025)

The way you look at her

The way you look at me

It's different each time

Our glances met separately


Cause I know you would choose a girl

Over a boy that really loves you

I know it's really sad

But, I can't even argue


I badly wanted it to be you

But you did not even want me

And how I can fight the feeling

I want you to hurt me


Cause I know you would choose a girl

Over a boy who really loves you

Do I have to accept it now?

Cause I don't have the strength to argue

'DI AKO BABAE (2025)

'Di ako babae

Kaya iwan mo na ko sa ere

Do'n ka sa kanya

Magsama kayong dalawa


Sana 'di ka rin niya mahal

Para pareho tayong masasaktan

Kahit gumawa pa ako ng ritwal

Basta 'di kayo magkatuluyan


'Di nga ako babae

'Di ba talaga pwede?

Baka magustuhan mo rin naman ako

Kung pagbibigyan mo


Ano ba ang meron siya?

Kaya nahulog ka sa kaniya?

Nakakatawa naman ako

'Yun nga lang lalaki tayo pareho


'Di naman talaga ako babae

'Di talaga ako sinuswerte

Naging bading, naging bakla

Nagmahal pa kahit talo na sa simula


 

'DI MATAMIS (2025)

 Gusto ko 'yung 'di masyadong matamis

'Di masyadong maalat, 'yung sakto lang

'Yung tipong lagi niya akong namimiss

Ikaw ang linamamam sa buhay na matabang


Hahaluin ko para makuha ang tamang timpla

Tatansiyahin ang bawat rekados para tamang lasa

Ganoon ba kapag nagmamahal, para kang umaawit bigla

Ang bawat tibok ng aking puso ay himig ng pagsinta


Kaso sa tinatagal-tagal, ang pag-ibig napanis

Kaso imbes na itong damdamin ay mapalitan ng inis

Bakit ikaw pa aking hinahanap at namimiss?

Kahit hindi ako gusto, handa akong magtiis

ALENA (2025)

Binigay ang brilyante ng tubig

Nalunod sa sobrang pag-ibig

Gusto lang magmahal, bumuo ng pamilya

Ngunit ang tadhana ko ay parang si Alena


Ikaw ang siyang gusto ni Ybarro

Wala na akong magagawa, mababago

Ikaw ang reyna, ikaw ang inibig

Sa'yo Amihan umiikot ang daigdig


Bakit ba kaparis ko ang tadhana ni Alena?

Gusto lang umibig, gustong magkapamilya

Ayaw maging reyna, kaya sa huli'y naging reyna

Ngunit naiwan namang mapanglaw at nag-iisa

Sadya bang tinalukuran ni Emre

At sa pag-ibig, ako ay isang pobre

Sana 'di ko na lang natutuhan ang..

Umibig sa'yo mandarayang nilalang

AKALA (2025)

AKALA KO...

AKALA LANG PALA...

NARAMDAMAN KO NA...

AKIN PANG BINALEWALA...


SABI KO NA NGA BA...

SINO NGA BA AKO SA KANIYA?

WALA...

DAHIL ANG GUSTO AY SIYA...


PS:

Tama pala ako hayop na 'yan! HAHHAHAHAHAHHA 

NEVER TALAGA NAG-FAIL ANG INTUITION KO

PENGE NGANG PANG-TUITION

PARA KAY JUAN (2025)

Ang hirap magkagusto sa may sariling mundo

'Di mo alam kung saang lupalop nagtatago

Kung saan ba siya nagsuot na kweba  

O baka lumagay na siya sa ilalim ng lupa 

PAANO KO ITO MATATAPOS? (2025)

Paano ko ito matatapos

Gayong mga salita'y kapos

Puso ko ay pinupulbos

Hingal at naghihikahos


Pano natin mayayapos

Ang karanasang lubos

Kung tingin lang binubuhos

Dalawang torpeng nagtuos


Ang tula kaya'y matatapos

Bago ang tinta'y mapaos

Sa ngiting sa puso ay taos

O sa pusong sakit ay tagos


MAG-ISA TAYONG DALAWA (2025)

Alam mo, sanay naman akong mag-isa

Pero noong dumating ka, ewan ko ba

Gusto na kita, gusto na laging makita

Malay mo tayo pala talagang dalawa


Pero sanay ka rin yatang mag-isa

Sa sariling mundong iyong nililikha

Kaya naman kita nagustuhan

Kasi ikaw ay nag-iisa lang sa sandaigdigan


Mag-ku-krus kaya muli ang ating landas

Dalawang taong nag-iisa madalas

O 'di kaya aayon ang tadhana, malas!

Makukulong na lang ba sa ating sariling rehas


ALAALA NG ISANG ULYANIN (2025)

sepulturero ng damdaming naagnas na

nililibing ang mga naglilitawang alaala

hinukay nang hinukay, ibabaon din pala

lalagyan ng bulaklak, papatakan ng luha


sa sementeryo ay palaging dadalawin

aalayan at dadasalan ng panalangin

hanggang sa tuluyang burahin ng hangin

ang ako, sa alalala ng isang ulyanin


at kung mabubura na ang pangalan

sa inukitang lapida ay 'yong tandaan

ang memorya mo ay humina man

muli akong magpapakilala sa'yo sa kalangitan



IKATLONG ARAW (2025)

sabi nila may ikatlong araw

pagkatapos mong pumanaw

may sinag na matatanaw

isang kinabukasang dadalaw


ngunit nasa unang araw pa rin ako

tinatraydor ng damdaming gulo

ang puso ay piniprito’t kumukulo

kaya ako muna ay magtatago


sa ikalawang araw nahihimlay

ang dibdib ay papatay-patay

may oras pang magnilay-nilay

sa buhay kong walang kakulay-kulay


kaya sana sa pagdating ng ikatlo

aking pag-asa ay buong-buo

matapang na babagtasin ang landas

haharapin ko na ang aking bukas


happy easter, sister!

O ANGHEL NG KAMATAYAN(2025)

Ako ang swerte, ako ang malas

Ikaw ang madaya, ikaw ang patas

Ikaw at ako mahina, looba'y parehong 'di malakas

Ngunit ikaw pa rin ang aking simula, gitna, at wakas


O anghel ng kamatayan

Huwag mo na kami lampasan

Ang kwento namin ay iyo nang wakasan

Kahit wala pa man kaming nasisimulan


Ako ang buwan, ikaw ang araw

Ikaw at ako nagtatago, paano matatanaw

Sa'ting puso'y nakatarak, isang matalim na balaraw

Sa'ting pag-ibig, 'di pa buhay, agad nang pumanaw


O anghel ng kamatayan

Huwag mo na akong tanggihan

Para ang kwento namin ay matuldukan

Kahit wala pang kabanatang laman

TAGOS-TAGUSAN (2025)

Ang tingin mo'y nasa malayo

Habang ako ay nandirito

Nakakulong ka pa sa nakaraan

Habang ako ay nasa iyong harapan

Paano na tayo? Uusad pa ba?

O hanggang dito na lang ba talaga?


Tagus-tagusan pa rin ang tingin

Kahit pilitin, 'di magiging akin

Ngunit akin pa ring ipinapanalangin

Na baka pagsamo ko'y dinggin

Na sana ako ay iyong piliin

At ako ay magustuhan mo rin

PAG-AMIN (2025)

 Laman ka ng bawat aking panalangin

Ang hinahanap-hanap kong salarin

Ninakaw mo ang puso ko't damdamin

Kaya lang umuurong ang dila, 'di maamin


Alam mong may pag-asa ka naman sa akin

Isang salita mo lang agad ko 'tong tutuparin

Kaya lang baka may iba kang pinapansin

Andito lang naman ako nagnanakaw-tingin


Maglakakas-loob kaya akong sabihin

Ang sa pusong lihim na pagtingin

Sana pag ito ay akin nang inamin

Suklian mo sana, tanggapin at dinggin


COINCIDENCE: PART 2 (2025)

Was it coincidence?

When I commented my mwa mwa

Then you storied, "can I have a keys (kiss)?"


Was it coincidental

When I unarchived my post

Then, you unarchived yours too?


Was it fate and destiny?

When I didn't look you in the eye

Yet you hugged me as goodbye


Was it plain incident?

When you heart my birthday post

Then you heart my joke and poetry


In the end, I hope it wasn't just coincidence

I hope that you also like me, the way I like you 

And I hope for us to be destined to let the love begin

And I hope our paths will cross again

COINCIDENCE: PART 1

 When two opposing lines coincide

Does it become one on the inside?

When a diagonal and parallel lines intersect

Does it connect like a flower and an insect?


Once is ordinary...

Twice is precautionary...

Thrice is destiny, Thrice is intentional

Or is it merely coincidental?


Fate pushes and pull us

From circumstances disguised as coincidence

Romantic attraction, aching to be asked

Is it really love or is it just limerence?


MARARANASAN KAYA ANG ISANG PAG-IBIG? (2025)

Mararanasan kaya ang isang pag-ibig —

Na hindi kailangang itikom ang bibig

'Yung pwedeng isigaw sa buong daigdig

Pagmamahal na umaapaw, siksik, at liglig


Darating kaya ang taong mamahalin ako

Kahit hindi ako isang perpektong tao

Kung siya ay pupunta? Ako ay nandito

Hindi umaalis sa aking palagiang pwesto


Kung 'di ko mararanasan, kung 'di siya darating

Tatalon na lang ako sa malalim na karagatan

Doon ako ay magpapakain na lang sa pating

Hanggang magkalasug-lasog ang aking katawan





SALING-PUSA (2025)

 Gusto ko munang umidlip

Kahit matagal, kahit saglit

Dahil pagdating ng tanghali

Sa akin ay walang pumipili


Isa akong saling-pusa

Sa mundo ng paglalaro

Lagi na lang ako ang taya

Tinotodo ko, manalo o matalo


Pagod ang katawang lupa

Kahit 'di naman ako kasali

Kailan ba ako magiging bahagi?

At matatapos na sa pagiging saling-pusa




SUNSET (2025)

i will wait for you

like sky waiting for sunset

i will keep you alive

in my memory, in my casket


i will search for love

in every part of your being

i will learn to love

until i found in you its meaning


you opened my heart

like how you inspire me to write poetry

you gave life to my art

i hope that you also like me dreamy


our life once collided

like how the shore meets the sea

just like how the sunset kisses the sky

let's give this love a try

EVEN IF... (2025)

 Am I here fighting a losing battle?

Piercing myself with my own sword

Cause in the end, I don't want to lose you

Even if I don't have you in the first place


I'll just lose me in the process of loving you

If your happiness is my sadness

I'd rather have that than not seeing you

Even if you are not seeing me eye-to-eye


You can have the keys, make your family

Be the happiest that you can ever be

Cause in that way my smile is from you

Even if our story doesn't end with me and you


PS. Nagpost kasi siya sa story ng "susi ka ba? pakeys nga!" Kaya nagselos muna ako. Sino kaya 'yan. Ayoko naman mag-assume na para sa'kin 'yan kasi nagcomment lang ako today ng mwa mwa mwa sa post ng org namin. Pero sabi nga nila never assume unless stated.


KABABALAGHAN (2023)

Dati kinatatakutan ko ang mga hindi nakikita 

Ang mga multo, maligno, at misteryo

Dating panakot sa mga bata

Ang mga kababahalaghang mga kwento


Ngunit nang ako ay nagkaisip na 

Mas nakakatakot pa ang buhay

Kaysa ang mga nakabaon na sa hukay

O kung ano mang likha ng imahinasyong makulay


Ang mga buhay ay kayang-kaya ka saktan

Ang buhay ay kayang makipagpatayan

Kayang pasabugin ang ospital, eskwelahan, at tirahan

Kayang patayin ka kahit ikaw ay isa nang ganap na bangkay

CUBAO (2025)

Nagdaraan, naglalakad, nagmamadali ang mga tao

Dahil ikaw ang gitna, ikaw ang sentro ng mundo

Kahit anong gawing paglibot, pag-ikot-ikot sa Cubao

Sa iyo ay 'di pa rin natututo, palagi pa rin akong naliligaw


Sa kalsada ng Aurora, sa entablado ng Araneta

Sa LRT, MRT, bus, jeep o taxi man ako sumakay o bumaba

Sa pasikot-sikot ng Gateway o kahabaan ng EDSA

Ikaw at ikaw pa rin ang sentro, ikaw ang gitna


Kaya paano kita makakalimutan at maiiwasan

Kung ang lahat ng daanan, ikaw ang patutunguhan

Sa lahat ng mga gilid at sulok, pangalan mong sinisigaw

Sa bawat paglakad at pagtakbo ko sa mga kalye ng Cubao

ABRIL NA NAMAN... (2025)

Abril na naman pwede mo na 'kong lokohin

Pwedeng-pwede lituhin, pwedeng-pwede utuin

Alam mo naman kung paano ako kukunin

Isang ngiti, isang ngisi, pwede mo pang asarin


Hindi mo na ako kailangan pilitin

Hindi mo na rin akong kailangan hilain

Dahil alam mong gustong-gusto na kita

Sana lang ako ay magustuhan mo na rin


Kahit 'di naman Abril, puso ko'y sa'yong sa'yo pa rin

Pwedeng saktan, pwedeng buoin

Pwedeng iwanan, pwedeng mahalin

Basta andito lang ako kahit ikaw ay 'di akin

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...