Ako ang swerte, ako ang malas
Ikaw ang madaya, ikaw ang patas
Ikaw at ako mahina, looba'y parehong 'di malakas
Ngunit ikaw pa rin ang aking simula, gitna, at wakas
O anghel ng kamatayan
Huwag mo na kami lampasan
Ang kwento namin ay iyo nang wakasan
Kahit wala pa man kaming nasisimulan
Ako ang buwan, ikaw ang araw
Ikaw at ako nagtatago, paano matatanaw
Sa'ting puso'y nakatarak, isang matalim na balaraw
Sa'ting pag-ibig, 'di pa buhay, agad nang pumanaw
O anghel ng kamatayan
Huwag mo na akong tanggihan
Para ang kwento namin ay matuldukan
Kahit wala pang kabanatang laman
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento