HININGA, PAA, AT LUHA (2025)

Lumalim nang lumalim ang hininga

Hinuhukay ang kaibuturan ng kaluluwa

Kaya't tumambad ang bangkay, naagnas na

Umaalingasaw ang masangsang na diwa


Humihiwalay ang isip sa aking paa

Naglalakad sa gitna ng kalsada

Ang mga kotse ay binabangga

Hanggang mabundol sa pagkatulala


Nalulunod sa karagatan ng luha

Wala man lang naghagis ng salbabida

Lumulutang, lumulubog, lumalansa

Nananadya ang lambat ng mangingisda

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...