ALAALA NG ISANG ULYANIN (2025)

sepulturero ng damdaming naagnas na

nililibing ang mga naglilitawang alaala

hinukay nang hinukay, ibabaon din pala

lalagyan ng bulaklak, papatakan ng luha


sa sementeryo ay palaging dadalawin

aalayan at dadasalan ng panalangin

hanggang sa tuluyang burahin ng hangin

ang ako, sa alalala ng isang ulyanin


at kung mabubura na ang pangalan

sa inukitang lapida ay 'yong tandaan

ang memorya mo ay humina man

muli akong magpapakilala sa'yo sa kalangitan



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...