MABATHALANG AWA (2025)

Saan man ako magtagong sulok

Natatalastas mo, O Diyos, ang aking silid

Ang iyong pagmamahal ay pumapasok

Sa aking pusong kahit ito'y nakapinid


Hindi man umusal ang aking bibig

Malunod man sa dagat ng pag-aalinlangan

Nililigtas ako ng iyong dakilang pag-ibig

Hinihilom ang sugat ng aking nakaraan


Nananalig ako sa iyong Mabathalang Awa

Ang tanging moog ko at tanggulan

Isa lamang akong hamak na balana

Sa lupa, huwag sana akong pabayaan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...