Nagdaraan, naglalakad, nagmamadali ang mga tao
Dahil ikaw ang gitna, ikaw ang sentro ng mundo
Kahit anong gawing paglibot, pag-ikot-ikot sa Cubao
Sa iyo ay 'di pa rin natututo, palagi pa rin akong naliligaw
Sa kalsada ng Aurora, sa entablado ng Araneta
Sa LRT, MRT, bus, jeep o taxi man ako sumakay o bumaba
Sa pasikot-sikot ng Gateway o kahabaan ng EDSA
Ikaw at ikaw pa rin ang sentro, ikaw ang gitna
Kaya paano kita makakalimutan at maiiwasan
Kung ang lahat ng daanan, ikaw ang patutunguhan
Sa lahat ng mga gilid at sulok, pangalan mong sinisigaw
Sa bawat paglakad at pagtakbo ko sa mga kalye ng Cubao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento