Alam mo, sanay naman akong mag-isa
Pero noong dumating ka, ewan ko ba
Gusto na kita, gusto na laging makita
Malay mo tayo pala talagang dalawa
Pero sanay ka rin yatang mag-isa
Sa sariling mundong iyong nililikha
Kaya naman kita nagustuhan
Kasi ikaw ay nag-iisa lang sa sandaigdigan
Mag-ku-krus kaya muli ang ating landas
Dalawang taong nag-iisa madalas
O 'di kaya aayon ang tadhana, malas!
Makukulong na lang ba sa ating sariling rehas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento