IKATLONG ARAW (2025)

sabi nila may ikatlong araw

pagkatapos mong pumanaw

may sinag na matatanaw

isang kinabukasang dadalaw


ngunit nasa unang araw pa rin ako

tinatraydor ng damdaming gulo

ang puso ay piniprito’t kumukulo

kaya ako muna ay magtatago


sa ikalawang araw nahihimlay

ang dibdib ay papatay-patay

may oras pang magnilay-nilay

sa buhay kong walang kakulay-kulay


kaya sana sa pagdating ng ikatlo

aking pag-asa ay buong-buo

matapang na babagtasin ang landas

haharapin ko na ang aking bukas


happy easter, sister!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...