2024 WRAPPED

20 Highlights of 2024 

  1. Tapped as PROFiles Writer for January Airing of the student-led radio organization.
  2. Screening of our project and my family's story in a documentary about dementia awareness of Filipino household entitled, "Merry Christmas from Efrina." 
  3. Celebrated my 20th Birthday in Quezon Province & Laguna Road Trip
  4. Tapped as PUP Radio Conference 2024 as Writer and part of the ProdFam.
  5. Stepped up in our Breakfast Television project as Associate Producer for Entertainment and Morning Show Host for Daming Alarm - and eventually nominated as Best Morning Show Host.
  6. Part of PUP Campus Hour Season 11 as Drama Writer. During production phase, I was the clapper & an bit player that was eventually cut in the episode.
  7. Started my internship at Energy FM 106.7.
  8. Learned how to book & ride MC Taxi.
  9. Hosted the Offboarding and Senior's Night of our organization as Toni G na G with Melai.
  10. Lived life as sophomore and now, as junior in PUP College of Communication.
  11. Finished internship at PUP Communication Management Office with our Christmas Podcast - MMFF Hooray! as Vevengka.
  12. Hosted the training of our organization as Jennylyn Mechado.
  13. Hugged Papa Dennis Trillo during Pulang Araw Campus Tour in PUP. It was surreal. He looked good and smell great. It was my childhood dream.
  14. Began writing "Paano Kung Hindi Ako Naging Bakla" screenplay, my loveliest and most vulnerable story.
  15. Participated in Weeklong Production as Assistant Production Head and Radio Jock/Writer and won as the Over-all Best Production & Best Production Assistant & Best Radio Jock as Vevengka, again.
  16. Now, we are starting our pre-production with our drama anthology, Pulang Patubig. I am the Head Researcher and Production Assistant for Wardrobe
  17. Learned so much in commuting this year because of college.
  18. Saw my high school crush and his girlfriend. First, I saw him waiting for a ride. Second, I saw his gf in the same mini-bus I'm riding. Third. I saw them together lining up for mini-bus ride.
  19. I fell in love with my co-intern at Energy FM. But, it was my biggest secret.
  20. I have watched a lot of movies in theaters this year - Haikyu!! Dumpster Battle, Lost Sabungeros Premiere, and Green Bones. Here is my list. 


  21. TOP 12 MOVIES:

    Since I can't narrow it down to 5 or 10, I'll settle with my favorite 12 movies I've watched this year, 2024. In no particular order.

  • Last Night by Joyce Bernal (2017)
  • Here Comes the Bride by Chris Martinez (2010)
  • Aishite Imasu 1941: Mahal Kita by Joel Lamangan (2004)
  • A Man in Love by Yin Chen-hao (2021)
  • GomBurZa by Pepe Diokno (2023)
  • Drawing Closer by Takahiro Miki (2024)
  • How To Make Millions Before Grandma Dies by Pat Boonnitipat (2024)
  • Monster by Hirokazu Kore-eda (2023)
  • The Wild Robot by Chris Sanders (2024)
  • Jojo Rabbit by Taika Waititi (2019)
  • The Holdovers by Alexander Payne (2023)
  • Green Bones by Zig Dulay (2024)

TOP 10 TULA OR POETRY OF 2024

  1. Babasagin
  2. Zoo
  3. Dahan-dahan 
  4. 'Di Ko Pa Matuldukan
  5. Never After
  6. You Are The Bruise To My Stupidity
  7. Sana Muli Kitang Makita Sa Marikina
  8. Never Ending Colorless Rainbow Dream
  9. Kuripot
  10. New Beginnings, Bittersweet Goodbyes

As I wrap up the year, I am very thankful for the opportunities that led me to successes that brought joy and failures that brought lessons. Truly, I will forever cherish these in my heart.

See you next year :)))


PAPA DENNIS TRILLO MEMORABLE EXPERIENCE (2024)

Bata palang ako. Alam ko na. Alam ko nang bakla ako. Mas gusto ko ang Barbie at lutu-lutuan na laruan kaysa sa baril-barilan at kotse-kotsehan. Mas gusto ko rin ang chinese garter at ten-twenty kaysa sa maging basagulero.

At crush na crush ko si Dennis Trillo, apat na taong gulang palang ako. Kinikiss ko pa nga siya sa screen ng TV namin dati. Tuwang-tuwa pa ang nagbabantay sa'kin. Doon na rin na-confirm ng pamilya ko na bakla ako. Kasi nagkakagusto ako sa lalaki kahit lalaki ako.

Anyway, nitong November 19, 2024. Bumisita ang Pulang Araw Campus Tour sa amin sa PUP-College of Communication. Pero a few days prior to the event ay alam na namin ito because sinabihan kami ng professor namin na mag-face-to-face class kami ng morning then required kami pumunta sa event after. 

Ilan din sa mga friends ko ang nakatoka sa event kaya tinanong ko agad kung sino ang pupunta. Sabi nila pupunta si Dennis Trillo. 

At alam ko na ang gagawin ko: MAGPAPANSIN KAY PAPA DENNIS. <3 

Siya kasi talaga ang ultimate crush ko ever since bata palang ako and na-reignite iyon nang mapanood ko ang mga proyekto niyang Aishite Imasu 1941, Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend, at ang kabogerang Maria Clara at Ibarra. Super versatile na aktor talaga niya ang pungay pa ng mata sa screen pag tumitig.

Fast forward sa mismong araw, sinabihan ko ulit ang friends ko na tawagin ako pag Q&A part na dahil magpapasabog ako malala. 

At ayan na pumasok na si Papa Dennis. Kaya tumili ako nang super lakas. Never in my life ako gumawa nang ganon para sa lalaki. Never rin ako sumigaw masyado unless friend ko 'yung nasa stage.

Ampogi niya sa harapan ng stage tapos tinapatan pa siya ng ilaw. Napaka-ARGHHH. Kaya mas lalo akong makikipagkrompalan na kaya kong makipagsabayan nang pasabog sa isang daang mahigit na COCian sa loob ng Tanghalan.

Nung una ay feeling ko hindi ako matatawag kasi may iba munag tinawag. Kaya medyo na-down ako. Pero 'di pa rin ako gumive-up 'no. Kaya nang magtatawag ulit sa side namin ay tinili ko na ito nang bongga 'yung tipo ng tili na hindi ako makakapagsalita kinabukasan. Ganon! Kaya finally tinawag na ako.

At ang tanong ko ay matagal kong pinag-isipan... prinaktis ko pa 'yan sa salamin ng CR namin. Ganong level ng preparation. Pero kasi marami akong runs ng questions & introductions ko so sa paghawak ko ng mikropono ay bahala na...

Pagbigay sa'kin ng mikropono ay sinabi ko ang mahiwagang introduksiyon --- "Ako po si Jennylyn Mercado also known as Geomari Dominguez." More like Jennylyn Pasmado siya d'yan.

Tapos pinalapit ako sa harapan ng stage. Doon na ako nagwala as in...

"Papa Dennis Trillo crush na crush po kita as in. Bata palang po ako kinikiss ko na ang screen ng TV pag andon po kayo. Four years old po ako no'n tapos Gagambino po 'yung palabas niyo. AHHHH! Pwede pong papicture mamaya. Kunin niyo po akong PA niyo!"

Tawa nang tawa si Papa Dennis at nag-squint pa ang mata niya nang sabihin ko ang Gagambino. Well, based on my research ay 4 years old ako  nung ilabas ito mga 2009.

Tapos sumagot si Papa Dennis na picture raw kami mamaya. Puntahan ko raw siya.

Then inask na ako kung sino ang tatanungin ko at ano ang itatanong ko.

Sabi ko, "Ang aking baby loves. Papa Dennis."

Natawa ulit si Papa Dennis sa mga kalokohan ko. Ngayon siya nakakuha talaga ng katapat niya sa mga kalokohan niya sa TikTok.

Then, inask ko na ay paano nakatulong sa kaniya 'yung character niya sa Aishite Imasu 1941 kung saan ito rin ay about sa Japanese occupation sa kanyang karakter ngayon sa Pulang Araw.

Then bago siya sumagot ay pinaakyat ako sa stage ng co-host, si Karl.

Pag akyat ko sa stage ay 'di ko alam ang gagawin ko pero nasa bulsa ko na ang cellphone ko.

Tumayo na rin si Papa Dennis para salubungin ako.

Pag lapit ko sa kaniya ay nilahad ko ang aking mga kamay para mag-shake hands sana kami.

Pero bigla niyang nilahad ang dalawang braso niya at inaya akong yakapin siya.

(Courtesy of The Communicator)

Kaya yumakap na rin ako sa kaniya. 

Kumakabog-kabog ang dibdib ko dahil unexpected siya. 

'Yung dating kinikiss ko sa TV Screen ay kayakap at kalingkisan ko na ngayon!?

Grabe ang saya ng puso ko. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang ulo ko.

(Courtesy of Quadro Photography Club)

Nanghina talaga ang tuhod ng bakla.

Kaya after niya akong yakapin sinabihan niya akong, "Salamat sa suporta ha."

Inakbayan pa niya ako. 

Habang sumasagot siya sa tanong ko ay hindi ako bumaba ng stage para titigan siya nang malapitan. Para siyang si Tom Cruise sa malapitan. Ang pungay ng mata. Ang tangos ng ilong. Ang pogi kaya 'di talaga ako nagsisi na crush ko 'to ever since.

Tapos ayun nakipag-kamay siya sa akin. Then bumaba na ako.

'Di nga lang kami nakapag-selfie pero grabe ang yakapan naman <3


'DI KO ALAM??? (2024)

'Di ko alam kung bakit ba?
Ganito aking nadarama
Parang umiikot ang sikmura
Gustong sumigaw pero walang mabuga

Sana'y tumingin ka muna
Sana'y kahit saglit pwedeng huminga
Tumutuloy pero hindi ko na maintindihan
Bakit 'di niyo ako makita at maunawaan


Kahit kailan kung anu-ano na lang ang naiisip
Paano kung ako'y matagal na managinip
Na ako raw ay nawala, naligaw, napinid
May maghahanap kaya sa akin, 'di ko mababatid.

PS.
Nitong nakaraan parang lagi akong nahihilo. 
Pipitik bigla tapos wala na ako. 
Malungkot na. Gusto mapag-isa. Naluluha.
Parang lagi akong pagod. Kahit sapat ang tulog.
Pakiramdam ko rin wala akong pakiramdam.
Parang nakakulong ako. Pero nakabukas ang pinto.
Parang naduduwal. Pero nalalasahan ko'y asukal.
Gusto ko na lang siguro mawala at magwala
Wala naman siguro mag-aalala.

MATIPID KUNG MANGUSAP, GASTADOR KUNG SUMULAT (2024)

Matipid siya kung sa'yo'y mangusap

Palagi ring nakatingalasa puting ulap

Kakaunti mang salita sa kaniyang pangungusap

Bawat letra, bawat salitang inuusal ay malalasap


Mga titik na kaniyang sinisinop bigkasin

Inihuhulog, iniipon sa alkansiyang bibitbitin

At  gagastahin ang inimbak na mga dugo't pawis sa pagsulat

Upang ang kinukubling damdamin ay maihayag at maisiwalat


"What my mouth won't speak. My pen would bleed."

BABASAGIN (2024)

Isang garapong babasagin 

Naghihintay maging sanlibong bubog

Nanlalabo ang salamin

Binabalot ng buntong-hiningang hamog


Sinidlan ng mantikang kumukulo

Inaakalang mabilis itong makakatulog

Umapaw hanggang sa bibig tumulo

Sumuka mula labis na pagkabusog


Hanggang sa ito'y matabig, matulak 

'Di nabasag,'di nabubog — nagbitak-bitak 

Kaya't pasundot-sundot ang pagsirit

Ang pagkabasag ay nahinog sa pilit

MASKARA O REPRESENTASYON: REPLEKSYONG PAPEL SA I’M DRUNK, I LOVE YOU (2024)

May kapangyarihan. May kalayaan. May kakayahan. Ganiyan inilarawan ni Stuart Hall ang mga konsyumer ng mass media sa kaniyang sanaysay na, “Encoding and Decoding in Television Discourse.” Dagdag pa niya, maaaring gumawa ng sariling interpretasyon ang audience kaiba sa itinakdang mensahe ng producer. Maikakategorya itong interpretasyon sa dominant reading (sumasang-ayon), oppositional reading (tumataliwas), at negotiated reading (sumasang-ayon pero tumataliwas) ang interpretasyon ng mga audience. Tinalakay din na malaking bahagi ng pag-decode o pag-interpret ng audience ay nakabatay sa kanilang sariling kultura, estado sa buhay, at mga paniniwala.


Sa pagpapatuloy, nais kong gawing halimbawa ang pelikula ni Direk JP Habac na “I’m Drunk, I Love You.” Kinukuwento nito si Carson (Maja Salvador) na matagal nang may gusto kay Dio (Paolo Avelino) pero hindi niya maamin dahil kaibigan lang ang tingin nito sa kaniya.


Negotiated reading ang naging interpretasyon ko sa pelikulang ito. Bagaman maykoneksyon akong nabuo sa bida ay hindi naman naging ganap ang representasyon ng mga tauhan sa kagaya kong bahagi ng LGBTQIA++ Community. Dahil base sa signs ng kwento, ito ay tungkol sa mga queer na nagkakagusto sa straight nilang kaibigan. Ngunit para tangikilikin ng masa ay pinagmaskara ito sa mukha ng isang babae at isang lalaki. Pinatotohanan naman ito ni Direk JP kung saan binanggit niya sa isang artikulo na,“Gumawa ako ng mga palabas na naka-mask siya sa mukha ng mga babae at lalaki iyong kuwento. How does that represent me?” 


Pero mas lalo akong napamahal sa pelikulang ito nang maibahagi ng direktor na base ito sa kaniyang tunay na karanasan. Kaya nakabuo ako ng personal na koneksyon sa tila nakatagong representasyon ng pelikulang ito. Magandang punto rin ng relatability ang kabalintunaan sa pagiging Iskolar ng Bayan na pinipitagang matalino ng ating mga kababayan, pero nagpapakatanga sa pag-ibig. Isa pa ang pagkakalahad na hindi naman kasalanan ni Dio na hindi niya mahal si Carson ay isang linyang punong-puno ng damdamin at kariktan. At ang pagkakadugtong sa hulihang bahagi ng pag-graduate ni Carson sa kolehiyo kasabay ang pag-graduate ng feelings niya kay Dio ay isang tugmang parallelism ng pagkukwento.

Sa paglalagom bilang konsyumer, hindi man akma ang naging representasyon ng pelikula base sa mga gumanap sa karakter dahil sa pagmamaskara dito, dumaloy pa rin nang maayos ang pagkukuwento ng salaysay ng mga LGBTQIA++ members na siyang mensahe ng direktor sa kaniyang pelikula.


SANGGUNIAN

  • Aligwe, Hygeinus & Nwafor, Kenneth & Alegu, Johnson. (2018). Stuart Hall's Encoding-Decoding Model: A Critique. World Applied Sciences Journal. 36. 1019-1023. 10.5829/idosi.wasj.2018.1019.1023.
  • Bofill, A., & Clemente, B. (2020, December 20). JP Habac and the blooming of queer narratives. The LaSallian. https://thelasallian.com/2020/12/20/jp-habac-and-the-blooming-of-queer-narratives/

ZOO (2024)

Tinakbo at kinuha ang iyong kabataan

Inilayo ka sa iyong tunay na tahanan

Pagkatapos ay nilagay ka sa kulungan

Na nagmamaskarang palamuting libangan


Mas masahol pa ito sa mailap na kagubatan

Dahil magadamag kang tinititiga't minamasdan

Ang buhay mo'y piangmimistulang tampulan

Ng tawanan, pero sila lang ang nagkakasiyahan


Nag-iisa kang tinatampok sa malungkot mong entablado

Tila ka laruan sa libingan mong kwadradong museo

Makakawala ka ba sa mga tingin ng sanlibong mga tao

Gusto magpahinga nang matagal at tuluyan na lang magtago

 

BAD DECISIONS (2024)

 Me and my bad decisions

We go along like smooth relations

But how did I get to be this way?

Maybe it's only for today


All I did was like a man

Then my suffering all began

Are this punches and kicks enough?

For you to justify me being tough?


I have been questioning

Why do I keep myself hiding

Behind close doors and sturdy walls

I guess I'll never grow some balls

GANON TALAGA KAPAG BAKLA HINDI KA PINIPILI (2024)

 Siya ang kasama mo at hindi ako

Dahil siya ang pangarap mo

Kahit matagal na akong nagmamahal sa'yo


Ganon talaga, kapag bakla, hindi ka pinipili

Kailan kaya matatanggap ito sa'king sarili

Bakit ganon, mahirap ba akong mahalin

Pero ngayon, ako'y dapat munang buoin


Siya ang nagpapangiti sa iyo

Kahit lumuwa na ang mata ko

Kakaisip ng mga banat at biro sa'yo


Ganon talaga, kapag bakla, hindi ka pinipili

Mas gusto nila 'yung magandang mga binibini

Desisyon ko bang maging sirena

Paano kaya kung hindi ako naging bakla?

DAHAN-DAHAN (2024)

Alam kong parehas naman nating desisyon

Ang magkalayo't putulin ang komunikasyon

Pero bakit masakit pa rin kahit wala naman tayong naging relasyon


 Pwede ba tayong magsayaw sa ulan?

Nang hindi mo 'ko makitang luhaan

Pwede mo ba akong saglit na hagkan 

Pagtapos ay 'yong dahan-dahang bitawan


Simula palang ang umaasa lang ay ako

Kaya't kailangan ko nang limutin ang tayo

Dahil tanggap ko nang pagmamahalan nati'y kailanman ay 'di mabubuo


 Pwede ba tayong magsayaw sa ulan?

Nang hindi mo 'ko makitang luhaan

Ika'y dahan-dahan ko nang kakalimutan

Dahil 'di mo naman kasalanan ang ako'y masaktan






'DI KO PA MATULDUKAN (2024)

 'Di ko maintindihan 

Kung bakit kasalanan

Ang magmahalan


'Di ko maunawaan

Kapag ikaw ang nandiyan 

Hindi ka malapitan


'Di kita masabihan

Ng nararamdaman

Baka ako'y layuan


'Di ko pa matuldukan

Ang lagi mong pagdaan

Sa 'king isipan


Paano kung umamin ako

Meron bang mababago

Sa ikaw at ako?


O ibaon na lang sa gunita

Para sana makasama kita

At 'di na ako masaktan pa

PAGEWANG-GEWANG (2024)

 Humihingi ako ng paumanhin dahil minahal kita

Kahit wala pa akong kamuwang-muwang sa pag-ibig

Dahil kapag ako'y sumulyap sa mapupungay mong mata

Tila ako ay nasa isang marikit at matingkad na panaginip 


Pinigil ko naman pero mas lalong nahulog lang

Isa kang balong malalim na sinasalukan ko ng paghanga't pagmamahal

Ngunit iisa lang ang iyong tinitigna't sinisintang nilalang

Pero narito ang puso kong pumipintig sa'yong parang hangal


May pangarap ka't inaasam para paglingkuran ang taumbayan

Matamis ang dila't simpatikong ginoo sa nakakadaupang-palad

Subalit kung ako'y tatanungin sadyang maramot ang tadhana lumaban

Pagkat pinagtagpo tayong pagewang-gewang ang takbo ko't ikaw ay diretso ang lakad

TIGNAN NANG DIRETSO (2024)

Malakas din naman ang karisma ko

Pero hindi ako ang tipo mo

Kaya ko rin namang makinig sa'yo

Pero nagkataong lalaki ako


Hindi rin naman kita masisisi

Kung hindi mo nakikita ang sarili

Umibig sa akin pagkat hindi madali

Kaya't itong pag-ibig ay mananatiling pipi


Kung sa susunod na magkita muli tayo

Kung sa Gilmore, Pureza, o sa Recto

Sana'y kaya kitang tignan nang diretso

'Yung hindi na ako umaasa ng kahit ano


PS: Shemalu anu ba nmn i2 bat mu ko inaask ng love story e toy story tau. LARO H E H E ... Narinig ko pa pano kau ng gf mo. Pag inggit, pikit. Kaya ngaun nakapikit pa rin talaga AJ3J3J3


LIBRA (2024)

 Ikaw ang pagsubok na nais kong pagdaanan

Habang nakapiring ang mga mata at hawak ang timbangan 

Dumating nang biglaan sa aking harapan

Hindi ko naman kailangan pero nagugustuhan


Nangako man sa sariling hindi na ulit mahuhulog

Pero ang sumpa'y saglit ko munang pinatulog

Pilit kong inaapula ang damdaming unti-unting nasusunog

Dahil ikaw ay umiibig, kaya't ako'y 'di na

dudulog


Ako man ang nagturo pero sa'yo'y mata'y muling natuto't namulat

Mga mata kong dati'y nakapikit ngayo'y dagling dumilat

Ngunit tunay kong nadarama'y hindi ko na  isisiwalat

Pagkat masasaktan lamang ang puso kung sa'yo'y magtatapat


PS. Empachuweyshun lang siguro 'to. Baka bukas wala na...

Sana nga bukas wala na...

Pero nakaka-enjoy ma-hurt ulit.


Update: gu$2 p@ r3N

HAGDAN (2024)

 Ang sakit palang mahulog sa hagdan

Kikirot ang bawat buto at laman

Hindi man mataas ang binagsakan

Pero muntikan pang mapilayan


Siguro ay 'di sa hagdan nakatingin

Marahil naglalakad nang matulin

Kaya nang mahulog nagising din

Sa panaginip na tila nasa mga bituin


Mula nang mahulog ako sa hagdan

Saka ko lang nalaman ang kahulugan

Pag 'di ka niya mahal, 'di ka niya mahal

Wala ng paliwanag sa walang pagmamahal


Nang ibig kong mamatay

Hindi ako mamatay-matay

Nang ibig kong mabuhay

Saka binawian ng hiningang taglay

MASUSUMPUNGAN KAYA? (2024)

Masusumpungan kaya ang lumalayong pagtanggap
Sa mundong suot-suot kong lagi ang maskara ng pagpapanggap
Masusumpungan kaya ang tunay na pagyakap
Walang bahid ng pandidiri at awa, bagkus puno ng paglingap

Masumpungan ko kaya ito sa buhay kong naghihingalo
Kung ituring ay hindi kapantay ng may dignidad na tao
Masusumpungan kaya ang puwang ko sa mundo
Puwang para sa mga tulad kong nagmamahal katulad niyo

Masusumpungan ko kaya ito sa aking buhay
Ang mundong tanggap ka sa iyong katotohanang taglay
Masusumpungan ko kaya ito o hindi?
Kung 'di palarin, sana'y yumabong ang binhi sa susunod na salinlahi

NEVER AFTER? (2024)

 

Will I ever have my happy ever after?

Will I ever have my prince charming in my next chapter?

Will we ever have our truest romance forever?

But in reality is this the narrative of never after?


A princess whose waiting for his prince charming

But deep inside I am stucked in my daydreaming

In my fantasy, I am the one and only Helen of Troy

But in reality I am no princess, I am just a boy 


Turning the pages of my childhood's story book

I am nowhere to be found, am I just here to look?

In my fantasy, I will be happy in my ending

But in reality, I am just a queer in my room hiding


Happy Pride! 🏳️‍🌈

 It has always been my advocacy as crusader of LGBTQIA++ rights to liberate our narratives that was once erased in our history. 

We were a community of lost stories, lost love, and lost identities. 

Pride Month should be the time where we reclaim our space, our selves, and our narratives.

 Because together as one community, we should create a better world for the next queer children. 

To have a safe space for expressing their uniqueness, their feelings, and their tales.

#PassTheSOGIEBillNow

Once again, Happy Pride. 
🏳️‍🌈

TWO YEARS, TWO SEMESTERS (2024)

Two years. Two semesters. Ganiyan na ako katagal sa PUP. 

Pero this finals season, parang doble, triple talaga ang tinagal ko na. Para bang half of my life nasa Pureza ang eabab. 

It's been a long time since I updated here. Naalala ko lang kasi ang page na 'to pag nakikita ko ang muse of my poetry and bruise to my stupidity. Si tula ka naman diyan. Pero true naman.

Kaya ngayon talagang kinokrompal na kami ng reyalidad. Nagsasabong to the max na ang mga blockmates ko. Sa pula ang mga grade conscious. At sa puti ang 7,107 islands. HUY, pun 'yan para 'di naman direct sa kanila.

Honestly ang take ko sa every issue naman ay 'di nagbabago. In every misunderstanding, both sides have shortcomings. English ka na naman diyan self. Pero, truth be told, may shortcomings din kasi ang magkabilang kampo. Well let's start sa pagputok ng isyung ito. Actually matagal naman na ito, this time lang talaga sila nagparinigan na.

Kasi 'yung isang team ay very unresponsive sa mga academic-related tasks at ang isa naman ay nilamon ng org works. O 'di ba salpukan talaga. Parehong busy. Understandeable naman na working 'yung iba and 'yung iba betsung talaga ang mag-devote ng time for orgs.

However, naging selfish ang dating nito sa magkabilang kampo. Kasi ito na nga, one time nag-presentation kami. At biglang nagbaba ng list kung sino mauuna. At lahat sila naglatag ng kanilang mala-MMK na apela para mauna. Well, lahat naman gustong mauna because lahat ay busy sa buhay. 

Naging isyu ay nagbaba agad sila ng walang prior notice. Kaya na-call out. Pero sana naman kung lahat tayo nagmamadali. Be mindful naman ng time natin pag nag-pe-present, hindi naman 'yung kain airtime na lang lagi. 

Anyways nilatag ko lang 'yung very shallow reasoning pero ito na nga ang true to life na reason. Plastik kasi ang kabila. Well, totoo naman. Panget ugali ganiyan. Mahirap pakisamahan. Actually it's a tie naman pero mas grabe talaga ang side na ito. Ang isang side naman ay talagang suki ng mga bisyo. BISYO!?!? Baka taga-Love Radio sila at mga ka-bisyo. Kumbaga 'yung night life talaga. Gets niyo naman 'di ba.

Kasi nung una, solid daw block namin. Ngayon solid na ang kanilang face. As in matigas na. Patigasan pa nga e. HAHAH.

Andami na rin kasing ganap.

Sumali na rin ako ng org. Both are competitive pa at slim ang chance makapasok. At nag-fit and right 'to 'no kaya super slim. KIMMY!

Pero from documentary to news, game show to talk show, production design to mounting of live. Ayan ang pinagdaanan namin so far sa 2nd Semester dagdag mo pa ang mga theories na sandamukal pati na ang mga General Educational courses na talagang 'di nagpapahuli sa requirements ha. 

This semester ko napatunayan na talagang kaluluwa ang kapalit sa mga pamantasang walang bayad ang matrikula. Kasi babayad mo ang buong self. As in buong-buo. Bawal ang half. Bawal ang one-fourth.

Natututo naman ako. And on to our next chapter ay ang OJT. Ayan pa. Well saka ko na lang ikukwento. Pero ngayon sa Energy FM ako nag-apply with my friends. At tanong sa'min ay kung jejemon ba kami. Aba tinatanong pa ba 'yan. Baka resident jejemonsterz 'to ever since.

Pero anyways 'yun lang at kung may maisip pa akong ikwento. I-type ko na lang kasi hindi niya ko type.

Ang babaeng allergic na sa meeting at mga plastik at mga unresponsive at mga gala at everything na humihinga at gumagalaw,

Marikit

YOU ARE THE BRUISE TO MY STUPIDITY (2024)

 You are the muse of my poetry

You are the bruise to my stupidity

Dim are my lights when I see you smiling brightly

Knowing well that I will never be your serendipity


I am the saddest imagery of my poetry

I am the masochist of my lovelorn's stupidity

Bright are the lights when you don't see me

Knowing well that I will never be the girl you'll marry




BAKIT KA BA LAGING NAGPAPAKITA? (2024)

Bakit ka ba laging nagpapakita?

 Lalo na sa pagpikit ng aking mga mata

Maging sa panaginip, ikaw ang naiisip

Magkasandal ang ulo, parehong umiidlip


Sana hindi na ako nagising pa

Kung sa gunita lang kits makakasama

Doon ikaw ay aking napapatawa

Doon ay nag-uusap tayong dalawa


Bakit ka ba laging nagpapakita sa akin?

Ngayon pang nililimot ko na ang sa'yo'y pagtingin

Lalagpasan ko pa ang pitong taon ni Carson kay Dio

Para maka-graduate na rin ako sa'yo


Mag-isa na nga lang akong umiibig sa'yo

Ikaw pa ang laging bukambibig ng puso ko

Kahit sa paniginip lang, sana ay maging tayo

Para itulog ko na lang ang buong buhay ko


PS:

Nakita ko kasi 'yung crush ko habang nakasakay ako sa Beep. Doon pa naman ako nakaupo sa may makina sa tabi ng driver. Napadaan kami sa school niya. Tapos bigla kong naisip ano kayang itsura niya sa uniform nila. 

Hanggang sa nakita ko siyang pinara ang Beep. Nakasuot ng uniform nila. Nakasalamin. Pareho ng gupit ni Kim Soo Hyun sa Producers. 

'Yun nga lang hindi na siya nakasakay kasi punong-puno na. 

Pero nagkatitigan kami. 

Nung dumaan ulit sa harap niya napatingin ako ulit. Kinoconfirm ko kung siya ba talaga 'yon. At siya nga. Nakilala niya kaya ako.

Nitong nakaraan naman, napaniginipan ko siya. 

Nasa loob daw kami ng auditorium. Nasa may pit ako ng stage. Tapos siya nandoon nag-pe-perform. Dancer naman kasi talaga siya sa totoong buhay.

Tapos napasandal ako sa may corner at nakatulog.

Pagkagising ko magkasandalan ang ulo namin at parehong natutulog. Tapos ayun nagising na ako. 


SANA'Y MULI KITANG MAKITA SA MARIKINA (2024)

Minamasdan bawat mukha

Sinusundan bawat hulma

Baka ikaw ay muling makita

Sa mga kalye ng Marikina


Kahit ako ay hindi mo pinilii

Maari bang mahalin kang muli?

Kapalit ay hinding-hindi manghihingi

Hayaan mo lang ibigin kita, kahit sa isang tabi


Hindi ko naman sinasadya ang mahalin ka

Kahit patago akong nangangarap at umaasa

Hawak-hawak ko lang lagi ang ating alaala

Sana'y muli kitang makita sa Marikina


EVEN IF I WRITE A THOUSAND POETRY? (2024)

 Even if i write you a thousand a poetry

You will choose her over me 

And I am just standing over the fact

That my love is a losing track


But, am I really losing you?

Hard slap to reality and the true

Coloring my poetry's vibrance and hue

Without my inspiration, it lacks point-of-view


Poets fall in love, once in a blue moon

Once it strike, it shines like the afternoon

Will someone rhyme our heart's misfortune

Completing the thousand poetry about maroon

MINSAN LANG UMIBIG ANG ISANG MAKATA (2024)

Kahit magsulat pa ako ng isanlibong tula

Iyon ay balewala, dahil mas mahal mo siya

Alam kong wala naman akong magagawa

Una pa lang talo na ako sa kaniya


Siguradong-sigurado ka na ba?

Wala na ba talaga akong tsansa?

Kahit lumuhod at magpatirapa

Susulatan ka pa ng maraming tula


Minsan lang umibig ang isang makata

Doon pa sa taong 'di masusuklian ang pag-ibig niya

Kailan kaya magtutugma ang mga salita

Nang mabuo ang pag-iibigang obra maestra





INSOMNIA (2024)

Ten sleepless nights passed by 

Yet, I am still afloat dreaming 

About our coward love's cry

Almost, but we failed trying


Pictures of you in my mind

Endlessly playing, mindlessly wishing

I was the special girl the stars aligned

For your heart's unconditional loving


Hoping that this insomnia ends

For me to kiss this eclipse behind

That this pain and passion you left in fragments

Will be lying in bed sleeping, away from the past rewind





NEVER-ENDING COLORLESS RAINBOW DREAM (2024)

can a single person like me be taken taken aback by the memories awaken is it an image of you or am i mistaken maybe if it's you my heart's still open

can a person be the vessel of your past
the past of an unrequited love that's meant to last
the person who made me broken like a glass
but, i am still here, you just have to ask

i have thought for the longest time, this love is fleeting yet i am here on the door of your heart still knocking though, you have me longing for erasing my feeling but i am wrong, this heart of mine is quite forgiving

this heart never forgets and is always reminiscing
the past may be past, but i am there living
without you, i am barely just existing
in the passion of pain, i am sorrowfully dwelling

truly, trying to forget someone you loved
is like trying to remember someone your never met
but in our memories to escape, i never dared
this one-sided love of mine in stone, it is set

will i ever forget the picture of him?
will i ever replace the happiness when i am with him?
time will only tell if this is a healing hymn
or it is a never-ending colorless rainbow dream

KURIPOT (2024)

Umaaraw ng madaling araw ng alas kwatro

Umuulan sa loob ng aking kwarto

Hindi nauubos ang mga kwento

Pero nauubos ang panahon para sa'yo


Dumidilim ng alas dose ng tanghali

Lumiliwanag ang iyong mga ngiti dati

Ngunit ang presensiya mong dama ko parati

Ngayon ay nawawalang unti-unti


Tinitipid ang mga pag-uusap at paglibot

Ginagastos ang mga alaalang pilit nililimot

Sabi nila pag maikli ang kumot, bumaluktot

Pero andito ako't naghihintay sa pag-ibig mong kuripot

MOTIONLESS (2024)

The cruel and catastrophic society rendered me motionless

Life casted a curse, living treated like pest

If being worst is deemed recognition, then I am the best

Should not shed a single tear, for the torture made me emotionless


The world is dancing in a heartbeat, while my world is motionless

Two left feet bestowed to a sore loser that is lifeless

Dancefloor is a hell on earth hunting the prey's nest

My body stores the used charcoal inside my chest

MISTERYO NG KARAMDAMAN (2024)

Lakas ng katawang-lupa'y panandalian

Kapag dinapuan ng karamdaman

Naroon ang misteryo, ang kababalaghan

Tumawag sa Panginoong gagamot ng kasakitan


Walang sino man ang may hawak ng lunas at kaalaman

Upang hilumin ang nagdarahop nating kalooban

Tanging ang Diyos ang papawi ng kapanglawan

Siya'y dadamay sa atin tulad ng isang kaibigan


Hindi ka nag-iisa sa banig ng kahinaan

Nakaantabay ang rosaryo ng Birheng hangad ang ating kagalingan

Sa oras ng misteryo ng karamdaman, kahirapan, at kamatayan

Huwag mag-atubiling tumawag sa Kanya para sa ating kaginhawaan

NEW BEGINNINGS, BITTERSWEET GOODBYES (2024)

There is no new beginnings without bittersweet goodbyes

Missed opportunities from cycles of almosts and tries

The words may falter, but the truth speaks in your eyes

Scared to love the truth, so I live in my secrets and lies


The fiery arrow filled my darkest days and brightest nights 

My flaming heart reached lowest of lows and highest of highs

This love affair lights our wrongs and extinguishes our rights

Our fleeting romance is nothing but series of melancholic lullabies


The muted grayscale is vibrant splash of rainbow in disguise

Our faith courageous, but our deepest affection is blinded by despise

The burning passion might burn us to soon before the morning sunrise

If that’s the end of our beginning, you will be my favorite shade of dark gray skies


PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...