Bakit ka ba laging nagpapakita?
Lalo na sa pagpikit ng aking mga mata
Maging sa panaginip, ikaw ang naiisip
Magkasandal ang ulo, parehong umiidlip
Sana hindi na ako nagising pa
Kung sa gunita lang kits makakasama
Doon ikaw ay aking napapatawa
Doon ay nag-uusap tayong dalawa
Bakit ka ba laging nagpapakita sa akin?
Ngayon pang nililimot ko na ang sa'yo'y pagtingin
Lalagpasan ko pa ang pitong taon ni Carson kay Dio
Para maka-graduate na rin ako sa'yo
Mag-isa na nga lang akong umiibig sa'yo
Ikaw pa ang laging bukambibig ng puso ko
Kahit sa paniginip lang, sana ay maging tayo
Para itulog ko na lang ang buong buhay ko
PS:
Nakita ko kasi 'yung crush ko habang nakasakay ako sa Beep. Doon pa naman ako nakaupo sa may makina sa tabi ng driver. Napadaan kami sa school niya. Tapos bigla kong naisip ano kayang itsura niya sa uniform nila.
Hanggang sa nakita ko siyang pinara ang Beep. Nakasuot ng uniform nila. Nakasalamin. Pareho ng gupit ni Kim Soo Hyun sa Producers.
'Yun nga lang hindi na siya nakasakay kasi punong-puno na.
Pero nagkatitigan kami.
Nung dumaan ulit sa harap niya napatingin ako ulit. Kinoconfirm ko kung siya ba talaga 'yon. At siya nga. Nakilala niya kaya ako.
Nitong nakaraan naman, napaniginipan ko siya.
Nasa loob daw kami ng auditorium. Nasa may pit ako ng stage. Tapos siya nandoon nag-pe-perform. Dancer naman kasi talaga siya sa totoong buhay.
Tapos napasandal ako sa may corner at nakatulog.
Pagkagising ko magkasandalan ang ulo namin at parehong natutulog. Tapos ayun nagising na ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento