MISTERYO NG KARAMDAMAN (2024)

Lakas ng katawang-lupa'y panandalian

Kapag dinapuan ng karamdaman

Naroon ang misteryo, ang kababalaghan

Tumawag sa Panginoong gagamot ng kasakitan


Walang sino man ang may hawak ng lunas at kaalaman

Upang hilumin ang nagdarahop nating kalooban

Tanging ang Diyos ang papawi ng kapanglawan

Siya'y dadamay sa atin tulad ng isang kaibigan


Hindi ka nag-iisa sa banig ng kahinaan

Nakaantabay ang rosaryo ng Birheng hangad ang ating kagalingan

Sa oras ng misteryo ng karamdaman, kahirapan, at kamatayan

Huwag mag-atubiling tumawag sa Kanya para sa ating kaginhawaan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

TALINHAGA (2025)

  Ako ay talinhaga Nakagapos sa tanikala Nakabusal ang bibig Nakapiring ang mata Nilisan ng pag-ibig Yaring puso at diwa Ako ay talinhaga Na...