Humihingi ako ng paumanhin dahil minahal kita
Kahit wala pa akong kamuwang-muwang sa pag-ibig
Dahil kapag ako'y sumulyap sa mapupungay mong mata
Tila ako ay nasa isang marikit at matingkad na panaginip
Pinigil ko naman pero mas lalong nahulog lang
Isa kang balong malalim na sinasalukan ko ng paghanga't pagmamahal
Ngunit iisa lang ang iyong tinitigna't sinisintang nilalang
Pero narito ang puso kong pumipintig sa'yong parang hangal
May pangarap ka't inaasam para paglingkuran ang taumbayan
Matamis ang dila't simpatikong ginoo sa nakakadaupang-palad
Subalit kung ako'y tatanungin sadyang maramot ang tadhana lumaban
Pagkat pinagtagpo tayong pagewang-gewang ang takbo ko't ikaw ay diretso ang lakad
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento