KURIPOT (2024)

Umaaraw ng madaling araw ng alas kwatro

Umuulan sa loob ng aking kwarto

Hindi nauubos ang mga kwento

Pero nauubos ang panahon para sa'yo


Dumidilim ng alas dose ng tanghali

Lumiliwanag ang iyong mga ngiti dati

Ngunit ang presensiya mong dama ko parati

Ngayon ay nawawalang unti-unti


Tinitipid ang mga pag-uusap at paglibot

Ginagastos ang mga alaalang pilit nililimot

Sabi nila pag maikli ang kumot, bumaluktot

Pero andito ako't naghihintay sa pag-ibig mong kuripot

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

PAG KINALABIT KA, TATAKBO O SASAMA KA BA?

Nang may biglaang kumalabit Si Kamatayan ay lumalapit Ang dibdib sumikdo't namilipit Pwede ba manlimos kahit isang saglit ulit Hinahabol...