Ang sakit palang mahulog sa hagdan
Kikirot ang bawat buto at laman
Hindi man mataas ang binagsakan
Pero muntikan pang mapilayan
Siguro ay 'di sa hagdan nakatingin
Marahil naglalakad nang matulin
Kaya nang mahulog nagising din
Sa panaginip na tila nasa mga bituin
Mula nang mahulog ako sa hagdan
Saka ko lang nalaman ang kahulugan
Pag 'di ka niya mahal, 'di ka niya mahal
Wala ng paliwanag sa walang pagmamahal
Nang ibig kong mamatay
Hindi ako mamatay-matay
Nang ibig kong mabuhay
Saka binawian ng hiningang taglay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento