Masusumpungan kaya ang lumalayong pagtanggap
Sa mundong suot-suot kong lagi ang maskara ng pagpapanggap
Masusumpungan kaya ang tunay na pagyakap
Walang bahid ng pandidiri at awa, bagkus puno ng paglingap
Masumpungan ko kaya ito sa buhay kong naghihingalo
Kung ituring ay hindi kapantay ng may dignidad na tao
Masusumpungan kaya ang puwang ko sa mundo
Puwang para sa mga tulad kong nagmamahal katulad niyo
Masusumpungan ko kaya ito sa aking buhay
Ang mundong tanggap ka sa iyong katotohanang taglay
Masusumpungan ko kaya ito o hindi?
Kung 'di palarin, sana'y yumabong ang binhi sa susunod na salinlahi
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento